Pamilya ni Gloria Romero umalma sa fake last will & testament

Pamilya ni Gloria umalma sa fake last will & testament, magdedemanda?

Ervin Santiago - January 30, 2025 - 12:55 PM

Pamilya ni Gloria Romero umalma sa viral last will & testament, fake news

Gloria Romero, Chris Gutierrez at Maritess Gutierrez

NA-CREMATE na ang labi ng yumaong Queen of Philippine Cinema na si Gloria Romero pagkatapos ng naganap na eulogy para sa huling gabi ng lamay nito.

Naging emosyonal ang lahat ng nasa burol sa naging pahayag ng anak ni Tita Glo na si Maritess Gutierrez tungkol sa last 25 days na nakasama niya ang yumaong ina.

“Tapos na ang role ng Mama ko here on Earth, off and on camera. Sabi ni Direk, the great Jesus Christ, Our Lord and Savior, ‘Pack up na, iha, pack up na tayo rito sa Earth, come with me up here. This is a good place,'” ang madamdaming pagbabahagi ni Maritess.

Baka Bet Mo: Gloria Romero walang ‘paramdam’ sa anak at apo na mamamaalam na

Sabi pa nito, talaga raw matindi ang araw-araw niyang pagdarasal sa mga huling sandali ng pumanaw na movie at TV icon kung saan nasaksihan niya ang pagsa-suffer nito bago tuluyang mamaalam sa edad na 91 nitong nagdaang Sabado, January 25.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kuwento pa ni Maritess, sa tulong daw ng mga taong nagmamahal at nagmamalasakit kay Tita Glo, nakayanan niyang ihanda ang lahat ng kakailanganin sa burol ng ina, mula sa susuutin nito sa burol hanggang sa mga ihahaing pagkain.

Samantala, mariing pinabulaanan ng pamilya ni Tita Glo ang kumalat sa social media tungkol sa umano’y last will and testament ng Reyna ng Pelikulang Pilipino.

Isang malaking fake news daw ang nasabing balita at hindi dapat paniwalaan ng publiko.

Ayon sa kumalat na pekeng balita, may mahigit P700 million daw si Tita Glo sa bangko, bukod pa sa pag-aari umano niyang mansion na milyones din daw ang halaga.

Nakasaad din sa nakita naming artcard ang presyo ng isang school na nais daw ipatayo ng yumaong aktres, ang halaga ng mga donasyon para sa tatlong institusyon at ang ipamamana raw sa anak na si Maritess at apong si Chris Gutierrez.

Ayon sa ulat, pinag-aaralan na ng pamilya ni Tita Glo ang magsampa ng kaukulang kaso laban sa mga taong nasa likod ng naturang fake news.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa interview naman ng TV5 entertainment reporter na si MJ Marfori, nakiusap si Maritess na irespeto ang kanyang yumaong ina at ang kanilang pagluluksa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending