McCoy kay Elisse: Hindi man malaprinsesang buhay ang naibibigay ko, gagawin ko ang lahat para mapasaya ka...dahil mahal kita! | Bandera

McCoy kay Elisse: Hindi man malaprinsesang buhay ang naibibigay ko, gagawin ko ang lahat para mapasaya ka…dahil mahal kita!

Ervin Santiago |July 04,2022
facebook
share this

McCoy kay Elisse: Hindi man malaprinsesang buhay ang naibibigay ko, gagawin ko ang lahat para mapasaya ka…dahil mahal kita!

Ervin Santiago - July 04, 2022 - 09:54 AM

MULING pinakilig ng celebrity couple na sina Mccoy de Leon at Elisse Joson ang kanilang fans at social media followers matapos magpalitan ng anniversary message para sa isa’t isa.

Nag-post sa kani-kanilang Instagram account ang live-in partners ng litrato nila together kalakip ang touching message nila para sa kanilang anibersaryo.

Ayon kay McCoy, alam niyang hindi magiging madali ang pagsasama nila ni Elisse at ang pagpapalaki nila sa panganay nilang si Baby Felize pero ang mahalaga ay maligaya sila sa piling ng bawat isa.

“Nu’ng sinubukan natin ulit noon alam natin na hindi magiging madali. Alam natin na marami tayong pagdadaanan ulit pero ito tayo ngayon magkasama pa rin. 

“Tuloy tuloy pa rin ang pag diskubre natin sa isat isa at sa mundo. Kinakaya maabot ang pangarap ng magkasama,” ang bahagi ng caption ng Kapamilya actor sa kanyang IG post.

View this post on Instagram

A post shared by Mccoy De Leon (@mccoydeleon)


Dugtong pa niya, “Hindi man malaprinsesang buhay ang naibibigay ko sayo, gagawa’t gagawa ako ng paraan sa abot ng aking makakaya maibigay ko ang kasiyahan mo dahil mahal kita. 

“Happy Anniversary sa atin Elisse ko palagi kitang nasa dasal ko promise. I love you!” sabi pa ni McCoy.

Nagbahagi rin si Elisse ng litrato nila ni McCoy sa IG kung saan todo ang pasasalamat niya sa aktor bilang mapagmahal at responsableng asawa at ama.

“Happy Anniversary Mahal ko.. thank u for your love and patience and everything in between. I love you,” sey ni Elisse.

Nauna rito, nagbahagi rin si McCoy ng mensahe para sa anak nila ni Elisse na si Felize kung saan nabanggit nga niya ang nararamdaman bilang ama.

“Tuwing tinatanong ako na ‘Ang saya magkaron ng anak no?’.Higit sa oo ang gusto kong isagot lalo na kung alam lang ng lahat na napakabait mong bata. 

“Napakaganda ng anak ko” yan lagi kong nababanggit tuwing nakikita kita. Hindi ko lam bakit sobrang swerte ko na may anak akong katulad mo, ito pala yung pwede kong masabing may perpekto. 

“Napaka dali mong mahalin anak. Higit sa kasiyahan ang nabibigay mo sa akin tuwing nakakasama at nakikita kong nakangiti ka. Ikaw ang lagi laman ng dasal ko lagi na sana kung wala ako gabayan ka lalo ng Diyos. 

“Alam kong dadating ang panahon pag matanda ka na mahahati ang oras mo sa amin, dahil lumalawak na ang mundo mo pag tumanda ka. kaya sasamantalahin ko na tong pagkakataon na to na lagi mo kaming kailangan ngayon. 

“Pangako anak ko buong buhay ko nakalaan na sayo, lahat ng paraan para mabigay ko ang kasiyahan mo gagawin ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mabilis ang panahon lumalaki ka na sana lagi mong tatandaan na nandito palagi si Daddy sa tabi mo para gabayan, protektahan, iintindihin at mamahalin ka. Mahal na mahal kita Felize sobrang swerte namin sayo,” pagbabahagi pa ng celebrity dad.

McCoy laging tinatanong kung kailan pakakasalan si Elisse: Ayaw naming biglain, ayaw naming madaliin

McCoy, Elisse pinag-usapan kung bakit sila naghiwalay noon

Elisse ibinuking kung bakit nai-stress pa rin si McCoy kahit may mga negosyo at 2 building na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending