McCoy de Leon, Elisse Joson hiwalay na daw; socmed influencer Mary Joy Santiago may kinalaman kaya? | Bandera

McCoy de Leon, Elisse Joson hiwalay na daw; socmed influencer Mary Joy Santiago may kinalaman kaya?

Therese Arceo |January 04,2023
facebook
share this

McCoy de Leon, Elisse Joson hiwalay na daw; socmed influencer Mary Joy Santiago may kinalaman kaya?

Therese Arceo - January 04, 2023 - 01:54 PM

McCoy de Leon, Elisse Joson hiwalay na daw; socmed influencer Mary Joy Santiago may kinalaman kaya?
USAP-USAPAN ngayon sa social media ang diumano’y hiwalayan ng dating “Pinoy Big Brother” housemates na sina McCoy De Leon at Elisse Joson.

Bagamat wala pang kumpirmasyon mula sa dalawa ay marami na sa mga netizens ang naghihinuha na mukhang naghiwalay na ang landas ng dalawa matapos ang kanilang sweet comeback at paglantad sa madlang pipol na mayroon na silang cute baby girl na si Felize McKenzie na talagang love na love ng mga netizens.

Kasabay nga ng bali-balitang split na ang dalawa ay ang pagkakadawit ng pangalan ni McCoy sa isang social media influencer na si Mary Joy Santiago.

At ngayong araw nga ay nag-trending ang dalawa dahil marami sa mga netizens ang nagsasabing naturang influencer ang dahilan kung bakit nagkalabuan ang dalawa.

Kumalat kasi ang larawan ni McCoy kasama ang dalaga sa social media dahilan para mag-init ang ulo ng mga netizens lalo na at marami ang bulung-bulungan na hiwalay na sila ni Elisse.

May mga netizens pa ang nagsasabing “cheater” raw ang Hashtags member at hindi na raw ito nakuntento gayong may anak na sila ni Elisse.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mccoy De Leon (@mccoydeleon)

Samantala, may Instagram story naman si Mary Joy na tila sagot niya sa kumakalat na isyu patungkol sa diumano’y pagiging “third party” sa hindi pa kumpirmadong break uo ng dalawa.

Hindi man niya direktang sinabi na ito ay may kinalaman sa pagkakadawit ng pangalan niya sa relasyon nina McCoy at Elisse ay tila may kaugnayan ang kanyang pahayag sa kasalukuyang kontrobersyang kinakaharap.

“Instead of making assumptions about me and what I do, how about youbjust ask. So quick to believe things about the person without knowing them or even simply having a conversation with them. You guys are on some childish type of shit and I’m not here for it,” saad ni Mary Joy.

Sa ngayon ay wala pa naman inilalabas na pahayag si McCoy hinggil sa isyung hiwalayan nila ni Elisse maging ang pagkakakonektado ng kanyang pangalan sa social media influencer.

Bukas naman ang BANDERA para sa kampo ng tatlong personalidad na nahaharap ngayon sa kontrobersya.

Related Chika:
Mga hugot nina Elisse Joson at McCoy de Leon sa socmed pang-promo lang?

McCoy laging tinatanong kung kailan pakakasalan si Elisse: Ayaw naming biglain, ayaw naming madaliin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Elisse Joson ayaw ng bonggang wedding: Ang dream ko lang talaga sa dagat…at sa church

Elisse sa part 2 ng love story nila ni McCoy: Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending