McCoy de Leon, JC de Vera, Mon Confiado winner sa In Thy Name

McCoy de Leon, JC de Vera, Mon Confiado pang-award sa ‘In Thy Name’

Ervin Santiago - March 06, 2025 - 12:05 AM

McCoy de Leon, JC de Vera, Mon Confiado pang-award sa 'In Thy Name'

JC de Vera, McCoy de Leon at Mon Confiado

MARCH 20, 2000, naging laman ng balita ang pagbihag ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa paring si Father Rhoel Gallardo ng Claret School of Tumahubong,sa Basilan.

Kasama sa mga dinukot ng grupo ang ilang estudyante at mga guro mula sa iba’t ibang paaralan sa mga bayan ng Sumisip at Tuburan, Basilan. Matinding paghihirap ang ipinaranas sa kanila ng mga terorista.

Ngayon, makalipas ng 25 taon, ipakikita ng  pelikulang “In Thy Name” kung ano ang naganap sa kabundukan kung saan sila dinala at pinahirapan.

Ito ay mula sa direksyon ni Ceasar Soriano, kasama si Rommel Galapia Ruiz at pinagbibidahan ni McCoy De Leon bilang si Father Rhoel.

Sa loob ng 45 na araw hanggang maganap ang madugong labanan sa pagitan ng miltar at ng mga terorista, nagpamalas si Father Rhoel ng matinding pananampalataya sa Diyos para magbigay pag-asa sa kanyang mga kasamahan, partikular na sa batang si Reylios.

Si Father Rhoel ay ipinanganak noong November 29, 1965 at naordina bilang pari noong 1994. Kahit likas na tahimik, nagpupursigi siyang maging kapalagayang loob ang mga tao.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mccoy De Leon (@mccoydeleon)


Talagang inilaan niya ang kanyang buhay para maglingkod, kaya naman siya mismo ang nagpalagay sa parokya sa Basilan kahit ito’y delikado. Nangako siyang hindi iiwan ang komunidad ano man ang mangyari.

Si JC De Vera ay gaganap bilang Khadaffy Janjalani, kapatid ni Abdurajak Abubakar Janjalani na siyang bumuo ng Abu Sayyaf noong 1991. Siya ang tumayong pinuno ng ASG nang nasawi sa police operation noong 1998 ang kanyang kapatid. Kinamumuhian niya ang Kristiyanismo at makikita ito sa  kanyang kalupitan kay Father Rhoel.

Si Mon Confiado ay si Abu Sabaya, ang spokesperson ng mga Abu Sayyaf na kilala sa kanyang kalupitan sa mga bihag. Sinasabing nagka-interes si Abu Sabaya sa isang guro na kanilang bihag.

Si Jerome Ponce ay si Second Lieutenant Herbert Dilag, 23 anyos, at isang Igorot mula sa Kalinga. Noong April 2000, binuo ang “Suicide Squad” para lusubin ang Camp Abdurajak, Punoh Muhadji, ang pinakamalaking kampo ng Abu Sayyaf, kung saan tinago ang mga bihag. Si Dilag ay nagboluntaryo na pamunuan ang operasyong ito na tumagal ng tatlong araw.

Si Yves Flores ay si First Lt. Andrew Bacala, ang 24 taong gulang na commanding officer ng ika-24 Special Forces Company. Siya ay kilala sa mabilis na pagdedesisyon sa harap ng peligro, kaya’t siya ang namuno sa pagsubaybay sa mga galaw ng ASG sa pagtakas nila bitbit ang mga bihag.

Si Soliman Cruz ay si Principal Rey Rubio ng Claret School of Tumahubong. Siya ay malapit na kaibigan at katiwala ni Father Rhoel. Mahal siya ng marami dahil sa kanyang kabaitan, karunungan, at integridad. Kahit naging mahina ang kanyang pangangatawan, hindi natinag si Principal Rubio at pinatatag niya ang loob ng kanyang mga kasamahan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VIVA Films (@viva_films)


Si Aya Fernandez ay si Teacher Theresa. Ang pag-aaruga niya sa kanyang mga estudyante ay hindi lamang sa loob ng paaralan. Buong tapang niyang prinotektahan ang mga kapwa niya bihag laban sa mga Abu Sayyaf, kaya napansin siya ni Abu Sabaya.

Si Kenken Nuyad ay si Reylios, ang batang sidekick ni Father Rhoel. Habang sila’y nasa Punong Muhadji, makikitang paikot-ikot doon ang bata at nakikihalubilo sa  mga myembro ng Abu Sayyaf.

Si Cassy Lavarias ay si Emylin, isa ring batang bihag na naging ka-eskwela ni Reylios. Siya ay umaastang ate sa iba pang batang bihag.

Si Alex Medina ay si Teacher Rosebert na nagsisilbing “comic relief” sa kanilang masalimuot na buhay. Lagi niyang kinu-kwento ang pagmamahal sa kanyang asawa.

Si Elora Españo ay si Teacher Lydda, asawa ni Rosebert. Pareho silang nagtuturo sa Sinangcapan Elementary School. Si Teacher Lydda ang tagapagluto para sa mga bihag at rebelde.

Si Kat Galang ay si Teacher Anabelle, ang malumanay na best friend ni Teacher Theresa, pero nang kunin ni Abu Sabaya si Theresa, lumabas ang tapang ni Teacher Anabelle.

Kasama rin sa pelikulang ito sina Ynez Veneracion bilang si Teacher Gemma, Martin Escudero bilang si Isnilon, JM Soriano bilang si Abu Jandal, Ana Abad Santos biang si Raquel Gallardo, ang ina ni Father Rhoel, Richard Quan bilang si Dominador Gallardo, ama ni Father Rhoel, Gold Aceron bilang si Dong Gallardo, kapatid ni Father Rhoel, Aaron Villaflor bilang si Captain Sabban, Pen Medina bilang MNLF Commander Talib Congo, at John Estrada biang si BGen. Narciso Abaya.

Mababasa sa iba’t ibang sanaysay ang taimtim na pagdarasal ni Father Rhoel sa buong panahon ng pagkakabihag. Hinikayat niya ang lahat na ‘wag mawalan ng pag-asa. Ito ay makikita sa 90-second teaser na pinalabas nito lamang nakaraang Linggo. Itinaas ni Father Rhoel ang lahat ng kanilang paghihirap sa awa ng Diyos.

Ngayong Jubilee Year of Hope, huwag palampasin ang “In Thy Name” sa mga sinehan na nagsimula na kahapon, Ash Wednesday. Ito’y mula sa GreatCzar Media Productions and distributed by Viva Films.

* * *

Napanood na namin ang “In The Name” sa naganap na premiere night nito sa Cinema 7 ng SM North EDSA at in fairness, maganda at matino ang pagkakabuo ng pelikula.

Napakagaling lahat ng cast members ng movie, lalo na sina McCoy, JC at Mon na pwedeng-pwedeng ma-nominate bilang best actor at best supporting actor sa susunod na awards season.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Grabe ang mga intense at torture scene na ipinagawa kay McCoy na talagang kaaawaan mo habang pinahihirapan siya ng mga terorista. Idagdag pa ang isang eksena nina McCoy at Mon na ikagagalit mo nang bonggang-bongga!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending