McCoy de Leon tuwang-tuwa habang binubugbog ni Coco Martin: Ang sakit ng ulo ko pero sige pa! | Bandera

McCoy de Leon tuwang-tuwa habang binubugbog ni Coco Martin: Ang sakit ng ulo ko pero sige pa!

Reggee Bonoan |May 05,2023
facebook
share this

McCoy de Leon tuwang-tuwa habang binubugbog ni Coco Martin: Ang sakit ng ulo ko pero sige pa!

Reggee Bonoan - May 05, 2023 - 06:00 PM

McCoy de Leon tuwang-tuwa habang binubugbog ni Coco Martin: Ang sakit ng ulo ko pero sige pa!
SOBRANG nagpapasalamat si McCoy de Leon sa napakagandang break na ibinigay sa kanya ni Coco Martin sa “FPJ’s Batang Quiapo” bilang si David na kapatid niya dahil bukod sa napakaganda ng karakter ay sobrang na-challenge rin siya.

Paanong hindi magpapasalamat ang aktor sa ganda ng exposure niya sa BQ bilang kapatid ni Tanggol played by Coco na isang sipsip sa amang si John Estrada as Rigor para pagalitan lagi ang kuya niya.

Isa ang karakter ni McCoy sa may pinakamaraming nagagalit na manonood dahil nga ini-exaggerate niya ng kuwento tungkol kay Tanggol.

Sabi naman ni Coco ay sinadya niyang baliin ang imahe ng aktor na kilalang may wholesome image at lover boy pa.

“Yung pakiramdam ko po ay once in a lifetime kasi itong show na ‘to bilang si David ay iba ang impact sa akin hindi lang sa pag-acting ko kundi pati sa buhay ko. ‘Yung bagay na ‘yun hanggang ngayon ay inaaral ko pa rin po siyempre sa tulong ni Direk Coco,” saad ni McCoy.

Pagpapatuloy niya, “Sa first week po talagang kinakabahan ako kasi ang makaka-eksena ko sina Ma’am Charo (Santos-Concio), sir John (Estrada), Ms Pie sabi ko hindi puwedeng ‘yun at ‘yun lang ang ipapakita ko dapat may kakaiba rin.”

Naikuwento rin ni McCoy ang kanyang experience sa eksena kung saan binubugbog siya ng kanyang Kuya Tanggol.

“Yung sa bugbog po, natutuwa pa ako nu’ng binubugbog ako ni kuya Coco ang sakit ng ulo ko pero sige pa, siguro ‘yun ang susi na nasa puso mo ‘yung ginagawa mo at ini-enjoy mo.

“Doon naman po sa part (most hated), ‘yung natutuwa po ako kasi sabi nga pag maraming nagagalit sa karakter mo, ibig sabihin effective ka sabi ni ma’am Charo. Yung magulang kop o hindi (natutuwa), ha, ha, ha,” natawang kuwento ni McCoy.

Lagi raw kasing tinatanong ng mama ng aktor kung kailan siya babait bilang si David sa BQ.

Ang layo na ng pagbabago sap ag-arte ni McCoy mula sa unang pelikula nitong G noong 2019 na produced ng Cineko Productions.

At nang makausap namin ng one-on-one ang aktor ay inamin niya na hindi siya makapaniwalang may maipapakita pala siyang other side niya in terms of acting kaya labis ang pasalamat niya kay Coco dahil tinututukan nito ang pag-arte niya.

Baka Bet Mo: McCoy sinuwerteng mapasama sa ‘Batang Quiapo’, tuwang-tuwa nang mapiling gumanap bilang utol ni Coco

“Sa huli medyo hinahayaan na niya ako kasi nakita niyang naipakita ko siguro ‘yung acting. Pinag-aaralan ko pa rin po,” sambit ng aktor.

Tinanong naman namin si McCoy kung napapanood ni Elise Joson na ina ng anak niyang si Felize ang BQ at nag-smile siya, “ganu’n din po (reaksyon).”

Hindi pa raw ito napapanood ng anak niya dahil bawal pa.

Natanong namin kay McCoy ang balitang kahit wala pang kasal ay gusto ulit ni Elisse ng isa pang baby.

“Nasamid po ako, sa ngayon po wala naman kaming napag-uusapan. Puwedeng sa amin po muna (ang tungkol sa kanila ni Elisse),” nakangiting sagot ng aktor.

As of now ay hindi nila napag-uusapan ang kasal at ayaw na ring magbigay ng anumang update si McCoy tungkol sa pagsasama nila ni Elisse at sa pagbabalikan nila na inamin din ng aktres.

Samantala, hiyang-hiya ang aktor sa intimate scene nila ng girlfriend niya sa “Batang Quiapo na si Camille played by Yukin Takahashi dahil nang mag-ikot sila sa iba’t ibang lugar sa Kamaynilaan na nanood ng BQ ay ipinakita ang bedscene nila at nagtatakbong palabas ng bahay ang aktor sa hiya.

‘Katok Buhay’ ang tawag nila sa pangangatok nila sa mga bahay-bahay at gaganapin ito sa Luzon, Visayas at Mindanao para alamin din kung ano ang mga paboritong karakter at eksena sa Batang Quiapo.

Anyway, mapapanood ang FPJ’s Batang Quiapo hango sa orihinal na kuwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng ““FPJ’s Batang Quiapo.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Related Chika:
#Anyare: McCoy de Leon binura lahat ng litrato sa Instagram, pero may isang tinirang ‘alaala’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Elisse Joson, McCoy de Leon nagkaayos na matapos magkahiwalay?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending