Elisse Joson, McCoy de Leon nagkaayos na matapos magkahiwalay? | Bandera

Elisse Joson, McCoy de Leon nagkaayos na matapos magkahiwalay?

Therese Arceo |January 17,2023
facebook
share this

Elisse Joson, McCoy de Leon nagkaayos na matapos magkahiwalay?

Therese Arceo - January 17, 2023 - 11:38 PM

Elisse Joson, McCoy de Leon nagkaayos na matapos magkahiwalay?

TRUE nga kaya ang chikang nagkabati nang muli ang celebrity couple na sina McCoy de Leon at Elisse Joson?

Nabanggit kasi ni Mama Loi sa YouTube channel ni Ogie Diaz na “Showbiz Update” kung saan isa siya sa mga hosts na spotted together ang dalawa sa shooting ng isang proyekto.

“Itong si McCoy de Leon at si Elisse Joson, mukhang bati na. Together again,” bungad ni Mama Loi.

Kaya naman napatanong ang talent manager na si Ogie kung nagkabalikan na nga ba ang dalawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)

Dito nga ay ipinaliwanag ni Mama Loi na last Friday, January 13 ay namataang magkasama ang dalawa.

“Eh kasi nga nay, nung Friday the 13th, sa shooting ng isang project na kasama si Elisse Joson, kasama niya sa shooting si McCoy pero hindi kasama si McCoy dun sa project ha,” saad ni Mama Loi.

Dagdag pa niya, hanggang matapos raw ang naturang shooting ay nandoon si McCoy kahit hindi naman siya kasali at bitbit pa nito ang mga gamit ng aktres.

“Eh kung civil lang sila, kung hindi sila bati or together again, kailangan bang tumambay ni McCoy sa shooting ni Elisse nang maghapon?” chika pa ni Mama Loi.

Hinala ni Ogie, marahil raw ay sinusuyo ng aktor ang dati niyang karelasyon at ina ng kanyang anak.

“Ganoon naman talaga kapag mayroon kayong supling, hindi mo pa rin talaga makakalimutan ang tatay ng anak mo. Nandoon pa rin ang pag-ibig… Ganoon rin si Elisse, nakikita niya ang mukha ni McCoy sa anak nila,” sey naman ng talent manager.

Kung true man ang balitang ito ay good news lalo na sa para sa kanilang baby na si Felize McKenzie.

Matatandaang nitong buwan lang nang aminin ni McCoy na tuluyan na silang naghiwalay ni Elisse sa isa sa kanyang Instagram story at matagal na niyang hindi nakikita ang kanyang anak.

Related Chika:
McCoy de Leon kinumpirmang hiwalay na sila ni Elisse: Wala pong involved na ibang tao

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Elisse Joson ayaw ng bonggang wedding: Ang dream ko lang talaga sa dagat…at sa church

Elisse sa part 2 ng love story nila ni McCoy: Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito!

Mga hugot nina Elisse Joson at McCoy de Leon sa socmed pang-promo lang?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending