Elisse sa part 2 ng love story nila ni McCoy: Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito! | Bandera

Elisse sa part 2 ng love story nila ni McCoy: Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito!

Ervin Santiago |January 18,2022
facebook
share this

Elisse sa part 2 ng love story nila ni McCoy: Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito!

Ervin Santiago - January 18, 2022 - 07:35 AM

Elisse Joson, McCoy de Leon at Baby Felize

MARAMING bagong revelations ang Kapamilya couple na sina Elisse Joson at McCoy de Leon tungkol sa kanilang relasyon.

Sa latest vlog entry ng celebrity parents, game na game silang sumabak sa “Sagot o Lagot” challenge kung saan ilang maintrigang tanong ang ibinato sa kanila.

Dito, nilinaw ni Elisse ang chika na ginamit lang daw niyang “rebound” si McCoy kaya siya nakipaglapit sa binata noong nasa loob pa sila ng “Pinoy Big Brother” house.

Kagagaling lang daw kasi ng aktres sa break-up nang maging close sila ni McCoy and eventually nga ay naging magka-loveteam at  magkarelasyon sa tunay na buhay.

Nakilala ang tambalan nila bilang “McLisse” na nagsimula nga noong 2016 sa loob ng Big Brother house.

“Ang sagot, hindi (rebound). At that time, sa loob ng PBB house, natural yung nangyaring flow sa atin kung paano tayo nagkakilala sa loob ng bahay, kung paano nag-evolve yung relationship natin bilang parang acquaintance tapos naging confidant, naging more than friends, naging MU,” simulang paliwanag ni Elisse.

Dagdag pa ng aktres, “Hindi ko naramdaman na rebound. Hindi ko masasabing I was still hurting from a person, pero doesn’t mean na hindi ako naka-move on pa doon sa person na yun. 

“Para sa akin, hindi ko masasabing rebound yun kasi yung naging chemistry natin, nag-flow naman naturally,” aniya pa.

Nagkahiwalay ang dalawa at nagkanya-kanya ng diskarte sa kanilang career hanggang sa itambal na nga sila sa ibang Kapamilya stars. 

At pagsapit ng June, 2021, ibinandera ni McCoy na nagkabalikan na nga sila ni Elisse bago pa magkapandemya, kasunod ang pag-amin na meron na rin silang anak.

Sa tanong naman kung bakit mas pinili pa rin nila ang isa’t isa sa kabila ng mga nangyari sa kanilang relasyon noon, unang sumagot si Elisse, “Hindi naman planado yung nangyari na nagkabalikan kami. 

“We both tried na mag-open kami sa ibang tao. Wala namang problema sa experiences namin with other people. 

“Pero kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito,” ang natatawang chika pa ng young celebrity mom.

View this post on Instagram

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)


Sabi naman ni McCoy, napakarami niyang natutunan sa relasyon nila ni Elisse, “Isa na siguro sa pinakamalaking natutunan ko sa buhay ko yung magmahal ng sobra tapos nasaktan ako ng sobra.

“Kaya siguro siya yung kasama ko ngayon hanggang pagtanda kasi sa kanya ako naging malakas, sa kanya ako natuto, sa kanya ako naging masaya. 

“Gusto ko sana kung saan ako yung natututo. Itong pagkakataon na ito, nasa tao na pala,” pahayag ng young actor.

Noong Oct. 31, in-announce ng McLisse sa special guesting nila sa “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10” na may anak na sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngunit ipinagdiinan nila na wala pa sa mga priorities nila ngayon ang magpakasal dahil mas nais nilang pagtuunan ng atensyon ang kanilang panganay na si Baby Felize.

Part 2 ng love story nina McCoy at Elisse nagsimula nang dahil sa jacket, nadaan sa ‘signs’

Elisse hindi pinahirapan ni Baby Felize sa pagbubuntis: Walang hilo, walang suka!

McCoy may sweet message sa kanyang mag-ina: Gagawin kong perpekto ang pagmamahal ko para sa inyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending