Lalaki ipinagpalit, inakalang mababa ang sahod dahil sa memes

Lalaki ipinagpalit ng nililigawan, inakalang mahirap at mababa ang sahod

Therese Arceo - January 22, 2025 - 08:59 PM

Lalaki ipinagpalit ng nililigawan, inakalang mahirap at mababa ang sahod
BASTED ang lalaki sa kanyang babaeng nililigawan matapos nitong akalain na broke ito at mababa ang sahod.

Base sa kanyang naging post sa Reddit, isang online community, mas pinili daw ng kanyang nililigawan ang stable na sa buhay.

Kuwento ng Lalaki, “So there’s this girl that I had a crush on. We were classmates on 1 subject (Graduate school), and I thought we were okay kasi masaya naman kami pag magkasama at magka-chat.

After the semester, I decided to confess and asked her out but she rejected me.”

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes inabutan ng ‘suki card’ sa motel ng isang lalaking fan

Bandera IG

Pinaliwanag naman daw ng babae sa kanya ang dahilan kung bakit hindi siya ang pinili nito.

“She then proceeded to explain na there’s this guy rin from work na nililigawan siya, and she likes that guy too,” lahad ng lalaki.

Pagpapatuloy niya, “She did mention na she likes me as well and considered me as a partner but she wants someone who is stable in life na. That guy raw kasi earns 70-80k a month (sahod+business combined) kaya she decided na to give that guy a chance kasi at our age, she’s just being practical.”

Nginitiab lang daw niya ang babae at sinabing nage-gets niya ang pangyayari.

“So I just smiled and said ‘Oh okay I understand. Fair enough haha. Sige, I wish you all the best.’ Gusto ko sana sabihan na ‘100k+ sahod ko per month eh’ kaso wag nalang hahahahha.

“Akala niya ata broke ako kasi sa mga memes na shine-share ko sa Facebook lol HAHAHAHA,” sey pa niya.

Kaya raw pala minsan ay tinanong siya kung magkano ang sahod niya.

I just smiled and said ‘hulaan mo’ then she said ’40K’ so tumawa lang ako sabi ko ‘secrettt.’ Ayoko naman kasing magsinungaling at ayoko magyabang lol,” chika pa ng lalaki.

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa mga netizens ang naturang post ng lalaki.

“To be fair, at least honest yung girl sa intentions niya and red flags. It’s scummy in hindsight, pero practical din on the other hand,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Dapat tinanong mo din sya kung magkano sahod nya, kasi for sure nagtatrabaho din sya di ba? Nasa grad school e. Nang magkaalaman.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Puro ka daw kasi memes. Dapat daw humble brag. Haha. Pero yikes naman yung guy na nagshare ng sahod nya. Like, nugagawen?” sey pa ng isa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending