Rosmar Tan nahanap si viral sampaguita girl, binigyan ng tulong
NAHANAP ng social media influencer at entrepreneur na si Rosmar Tan ang babaeng nag-viral na binansagan bilang Sampaguita girl.
Sa kanyang Facebook post sy ibinahagi ng negosyante na nakita na niya ito at agad siyang nagbigay tulong pinansyap sa babae.
“Para sa Sampaguita girl mag aral ka mabuti at tapusin ang pag aaral. Wag ka na magtinda ng sampaguita sa mga bawal na lugar para walang problema,” saad ni Rosmar.
Dagdag pa niya, “Mag simula ka nalang mag business sa Labas ng bahay nyo.”
Baka Bet Mo: Rosmar Tan isinugod sa ospital matapos mag-spotting, 2 buwan nang buntis
Sa post ni Rosmar ay makikitang nagpadala ito ng sampung libo para makatulong sa kung anuman ang gastusin nito.
May mga netizens na nagsasabing iba raw ang nahanap ng negosyante at hindi ito ang babaeng nag-viral.
Ngunit sa hiwalay na Facebook post ay nilinaw ni Rosmar na tama ang nahanap niyang babae.
“Pinahanap ko sya at para mapadalhan ko ng tulong kasi naaawa ako sakanya nung napanuod ko ang video.
“Parehas silang may mali knowing na bawal mag tinda dun pero nagtitinda pa rin sya, ginagawa lang ng guard ang trabaho nya. Un nga lang mali na sinipa at sinira ang paninda. Na para maipag patuloy ni Jenny ang pag aaral nya bilang 1st year Medtech,” lahad ni Rosmar.
Sinabi rin niya na iisa lang pala ang uniform ni sampaguita girl kaya ginagamit nito ang kanyang uniform noong senior high
“Naka video call ko sya and nakita ko mga frame na nakasabit sa bahay nila. Nag aaral talaga sya,” pagpapatunay ni Rosmar.
Pinayuhan niya rin ang dalaga na mag-aral nang mabuti para sa kanyang future.
“Aral ka ng mabuti para sa magandang future at tapusin mo ang pag aaral mo.
Dagdag pa niya, “Mag tinda ka nalang ng inihaw o Rosmar Skincare sa labas ng bahay nyo. Godbless sayo Jenny.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.