SB19 agaw-eksena sa 'Body of Work'; Alden, Kath nagdedmahan?

SB19 agaw-eksena sa ‘Body of Work’; Alden, Kathryn nagdedmahan nga ba?

Ervin Santiago - March 22, 2025 - 12:51 PM

SB19 agaw-eksena sa Body of Work'; Alden, Kathryn nagdedmahan nga ba?

KANYA-KANYANG eksena ang mga celebrities na rumampa sa katatapos lang na “Body of Work Underwear Fashion Show” na ginanap sa SM Mall of Asia Arena.

Present ang BANDERA sa inabangang sexy fashion event at in fairness, umaapaw sa tao ang MOA Arena, kabilang na riyan ang mga fans ng mga Kapuso at Kapamilya stars na ka-join sa rampahan.

Ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang nag-open ng event kung saan nagpakita siya ng kanyang muscles at abs kaya naman talagang tilian at palakpakan ang audience.

Ang leading lady naman ni Alden sa record-breaking film na “Hello, Love, Again” na si Kathryn Bernardo ang nagsilbing finale ng “Body of Work” with her white bra and super ikling white skirt.

Baka Bet Mo: Jessy na-shock nang regaluhan ng underwear ng manliligaw: Paano mo nalaman yung size ko?!

In fairness, super clap at dumadagundong na sigawan ang natanggap nina Alden at Kathryn sa pagrampa nila sa stage pero nalungkot lang nang slight ang kanilang fans dahil hindi sila nagpansinan sa pagtatapos ng show.

Tanong nga ng ilang nakapansin, may issue nga kaya sa pagitan ng dalawang box-office stars kaya tila dedmahan sila sa harap ng napakaraming tao sa MOA?

Pero sa Facebook page ng BANDERA, may nag-post na netizen ng isang litrato kung saan makikita sina Alden at Kathryn na magkatabi pero nakatalikod. Sabi ng uploader, nagkita at nagkausap ang KathDen sa backstage bago pa magsimula ang fashion show.

Samantala, malakas na palakpakan at hiyawan din ang natanggap nina Joshua Garcia, David Licauco, Lovi Poe, Janine Gutierrez, Michelle Dee, Zeinab Harake, Gela Atayde, Ruru Madrid, Bianca Umali, at ng kambal na sina Atasha at Andres Muhlach.

Scene stealer din ang mga hunk actor na sina Jake Cuenca, Jameson Blake, Derrick Monasterio, Edgar Allan Guzman at Royce Cabrera na walang hiya-hiyang rumampa nang naka-underwear lang. But that’s another story to tell! Ha-hahahaha!

Napa-wow naman ang mga tao sa venue nang rumampa na ang dalawang hot mama na sina Sunshine Cruz at Ina Raymundo na hanggang ngayon ay wala pa ring kupas ang taglay nakagandahan ang kaseksihan.

Pero kung may nagmarka talaga sa amin sa gabi ng “Body of Work”, yan ay ang sobrang pagdagundong ng MOA Arena nang lumabas na stage ang SB19 at kantahin ang kanilang hit song na “DAM” na sinundan ng isa-isa nilang pagrampa on stage bilang mga model.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Talagang trending sa social media ang paghataw ng SB19 kagabi kung saan pinuri-puri ng netizens sina Pablo, Ken, Stell, Josh, at Justin, patunay lamang na sila talaga ang pinakasikat na grupo sa bansa at maging sa iba’t ibang bahagi pa ng mundo.

Sa huling bahagi ng event, lumabas at rumampa rin sa stage ang Bench owner na si Ben Chan kasunod ang lahat ng rumampa sa Body of Work show. Kaloka! Makalipas ang ilang dekada, wala pa ring ipinagbago sa itsura ni Ben Chan. As in batambata pa rin ang kanyang itsura.

Sa puntong ito, umakyat din sa stage ang celebrity couples na sina Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez at sina Dingdong Dantes at Marian Rivera-Dantes para batiin at i-congratulate si Ben Chan sa matagumpay nitong underwear fashion show.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending