Neri Naig matapos makalaya: Bangungot na hindi ko malilimutan

Neri Naig matapos makalaya: Pagsubok, bangungot na hindi ko malilimutan

Pauline del Rosario - March 22, 2025 - 11:10 AM

Neri Naig matapos makalaya: Pagsubok, bangungot na hindi ko malilimutan

PHOTO: Instagram/@mrsnerimiranda

ILANG linggo matapos ibasura ang lahat ng kaso, hindi pa rin makapaniwala si Neri Naig na napasama siya sa listahan ng “Most Wanted” sa Pilipinas.

Ito ay inamin niya mismo sa pamamagitan ng isang Instagram post, kalakip ang ilang litrato ‘nung mga panahon na siya ay inaresto dahil sa kasong syndicated estafa.

Sey niya, “Tinawag akong magnanakaw, manloloko, at scammer.

“Never naman akong nagtago. Palagi nga akong nasa palengke, sa mga talks, at kahit saan pa—I have always been visible, hindi lang sa social media.”

Baka Bet Mo: Chito sa pag-abswelto kay Neri: Buti na lang alam ni Lord ang katotohanan!

Ipinangako rin niya na ibabahagi niya ang kanyang istorya kaugnay sa nangyari sa tamang oras.

“But for now, let me just say this: It was a nightmare. Isang pagsubok at bangungot na hindi ko kailanman malilimutan,” pag-amin niya matapos arestuhin at makulong.

Sa kabila raw ng pangungutya at panlalait laban sa kanya ng maraming tao ay mas pinili niyang tumahimik: “Because I’ve learned that when we are in pain, it’s easy to say things we don’t mean. Pero hindi ako yun. I refuse to let anger or hurt define me.”

Dahil din daw sa nangyari, dalawang klase ng tao ang nakita niya –’yung mga hindi siya iniwan at ‘yung mga sinamantala ang pagkakataon upang pagkakitaan siya.

Kaya ang mensahe niya sa mga sumuporta sa kanya: “Maraming, maraming salamat sa inyong pagmamahal, suporta, at panalangin. Hindi ko ito malilimutan…”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)

Sa comment section, itinuloy ni Neri ang kanyang pasasalamat, lalo na sa kanyang mister na si Chito Miranda na inilarawan niyang “hero ng buhay ko.”

“NEVER mo akong iniwan since day one,” sey niya sa asawa.

Wika pa niya, “Yung pagmamahal mo, yun ang nagbigay sa akin ng pag-asa. Hindi ka sumuko at umuwi hanggat hindi mo ako kasamang umuwi sa mga bata [yellow heart emoji].”

Sa huli, iginiit ni Neri na never siyang nanloko, nanlamang, at nagnakaw.

“Sa pagdapa ko, unti-unti akong babangon—at makikita ang lesson na gustong ipakita ni Lord sa akin [red heart emoji],” aniya.

Kung matatandaan, noong November 23 last year nang inaresto ang aktres ng mga operatiba ng SPD habang nasa isang convention sa Pasay City.

Ito ay dahil sa umano’y paglabag sa Securities Regulation Code, estafa at syndicated estafa.

Noong November 30, nagbayad ng piyansa ang celebrity mom para sa kinahaharap na 14 counts of violation of Securities Regulation Code sa halagang P1.7 million.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasunod niyan ay pinaaga ang arraignment at pre-trial ni Neri base sa kautusan ng korte na imbes January 9, 2025 ay ginawa ito ng December 11.

Nitong Pebrero nang ibinasura ng Pasay City RTC Branch 112 ang lahat ng kaso ni Neri.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending