Neri fresh ang awra sa New Year photo, move on na sa kaso

Neri fresh ang awra sa New Year photo nila ni Chito, move on na sa kaso

Ervin Santiago - January 02, 2025 - 03:42 PM

Neri fresh ang awra sa New Year photo nila ni Chito, move on na sa kaso

Neri Miranda, Chito Miranda at ang kanilang mga anak

MAGANDA at fresh ang smile ng actress-businesswoman na si Neri Miranda sa latest photo na ipinost ng kanyang asawang si Chito Miranda.

Mukhang unti-unti nang nakaka-recover si Neri mula sa kinasangkutang kontrobersiya nitong mga nagdaang buwan dahil sa umano’y investment scam.

Ilang araw nakulong ang negosyanteng aktres sa Pasig City Jail Female Dormitory matapos kasuhan ng estafa, syndicated estafa at paglabas sa mga kautusan ng Securities and Exchange Commission (SEC).

Pansamantalang nakalaya si Neri mula sa piitan matapos magpiyansa ng mahigit P1 million.

Baka Bet Mo: Mark Anthony fresh na uli; walang tigil sa pagwo-workout mula nang makalaya

Kahapon, January 1, 2025, nag-post si Chito sa Instagram ng litrato nila ni Neri kalakip ang kanyang New Year’s Day message. Dito makikita ang fresh at  matiwasay na awra ni Neri.

Ang caption ni Chito sa kanyang IG post, “Happy New Year!!!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


“Nothing but gratitude. (praying hands emoji).

“May we ALL have a wonderful 2025 (heart emoji).”

Bukod sa kanyang mga Instagram followers, binati rin sina Chito at Neri ng ilang celebrities, kabilang na ang malalapit nilang kaibigang sina Kaye Abad at Bubbles Paraiso.

Ayon sa mga netizens, feeling nila ay maayus-ayos na ang lagay ni Neri matapos humarap sa matinding hamon ng kanyang buhay. Hindi rin daw biro ang makulong ng ilang araw.

Matatandaang nagbahagi rin ng kanyang Christmas message si Chito noong December 24, 2024, kalakip ang family picture nila ni Neri, with their kids na sina Miggy, Cash, at Pia.

Makikita sa kanilang likuran ang Christmas tree na napapalibutan ng mga regalo. Sa kanyang caption, nagpasalamat ang Parokya Ni Edgar frontman kay Lord na hindi sila iniiwan sa anumang uri ng laban ng buhay

“Merry Christmas mula sa Miranda Family.

“Maraming, maraming salamat, Lord, for always taking care of us.

“Thank You po kasi never Nyo kami pinabayaan.

“Sobrang ramdam namin yung pagmamahal Mo sa amin through the people You have chosen to surround us with.

“Pinakita Mo sa amin na inaalagaan Mo talaga kami sa pamamagitan ng aming mga pamilya, mga kaibigan, at lahat ng mga taong nagmamahal sa amin.

“Sila po talaga ang Pinakamahalagang regalo Mo sa pamilya namin, Lord…and for them, we thank You.

“Maligayang, maligayang Pasko sa inyong lahat.”

Noong November 23 ay inaresto Neri ng mga pulis sa basement ng isang convention center sa Pasay City kaugnay ng 14 counts of violation of the Securities Regulation Code (SRC) at syndicated estafa.

December 4, 2024 nang nakalabas si Neri mula sa limang araw na hospital furlough at hindi na ibinalik sa kulungan matapos magpiyansa ng P1.7 million.

Ipag-utos kasi ng Pasay City Regional Trical Court (RTC) Branch 112 ang pagpapalaya sa aktres kasunod ng pagpabor ng korte sa motion to quash ng kampo ng actress-businesswoman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik sa social media si Neri Miranda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending