Chito biglang nasenti sa pag-join ng mga anak sa Trick or Treat

Chito Miranda biglang nasenti sa pag-join ng mga anak sa Trick or Treat

Ervin Santiago - November 04, 2024 - 09:15 AM

Chito Miranda biglang nasenti sa pag-join ng mga anak 'Trick or Treat'

Chito Miranda kasama ang pamilya

NAPA-THROWBACK ang OPM icon at singer-songwriter na si Chito Miranda sa kanyang kabataan lalo na kapag nakasama-sama silang magpipinsan.

Nag-post ang bokalista ng Parokya ni Edgar sa kanyang Instagram account ng litrato ng kanyang mga anak kasama ang kanilang mga kalaro nitong nagdaang Holloween.

Dito naibahagi nga ni Chito kung gaano siya kasaya pati na ang asawang si Neri Miranda sa tuwing nagkakaroon ng pagkakataon na makapag-bonding sila sa mga espesyal na okasyon.

Tulad na nga lang nitong nagdaang Holloween kung saan nakasama ng kanilang mga anak ang kanilang tropa para makipag-Trick-Or-Treat sa isang mall.

“Happy Halloween mula sa barkada ng mga anak namin!!!” simulang caption ni Chito sa kanyang IG post kung saan makikitang naka-costume ang mga bagets.

Baka Bet Mo: Chito todo kayod sa edad 17, maraming isinakripisyo para makaipon: Hindi forever ang pagbabanda…

“Napag-usapan namin ni Neri kanina na sobrang thankful kami na nararanasan ng mga anak namin yung mga ganitong bagay.

“Yung fact na nabibigyan namin sila ng masayang childhood at magagandang memories kasama ng mga friends nila (kahit sobrang simple lang ng plano)

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


“Na-appreciate ko tuloy mas lalo yung parents ko…kung gaano sila ka-patient at kabait at tyaga tuwing sinasama namin lahat ng mga pinsan namin sa bahay para dun magbakasyon for several days (minsan 15 kaming magpi-pinsan na matutulog sa bahay).

“Tapos isasama nila kami lahat sa Celebrity Sports Plaza para mag-swimming, or manonood ng sine, tapos kakain pa sa labas,” pagbabahagi pa ng singer-songwriter.

Patuloy pa niya, “It must have been exhausting, pero they still did it for us…and honestly, grabeng saya ng mga memories ko na yun.

“Kaya ginagawa din namin for our kids.

“Gumagawa talaga kami ng paraan at naglalaan talaga kami ng oras para sa mga ganitong bagay.

“Kasi alam namin na sulit yung pagod dahil magiging masaya yung mga ala-ala nila…pati na rin namin ni Neri bilang mga magulang.

“Jusko…nag-trick or treat lang sa mall, napa-senti na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Anyway, goodnight, and Happy Halloween!!!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending