Chito Miranda napasenti sa samahan ng Parokya ni Edgar: 'Ang saya lang na buo pa rin ang bandang binuo namin 30 years ago' | Bandera

Chito Miranda napasenti sa samahan ng Parokya ni Edgar: ‘Ang saya lang na buo pa rin ang bandang binuo namin 30 years ago’

Ervin Santiago |October 24,2023
facebook
share this

Chito Miranda napasenti sa samahan ng Parokya ni Edgar: ‘Ang saya lang na buo pa rin ang bandang binuo namin 30 years ago’

Ervin Santiago - October 24, 2023 - 07:00 AM

Chito Miranda napasenti sa samahan ng Parokya ni Edgar: 'Ang saya lang na buo pa rin ang bandang binuo namin 30 years ago'

Chito Miranda

FEELING proud and sentimental ang OPM icon na si Chito Miranda sa latest post niya sa Instagram tungkol sa banda niyang Parokya ni Edgar.

Inalala ng “The Voice Generations” coach ang pagsisimula at pagkakabuo ng Parokya ni Edgar tatlong dekada na ngayon ang nakararaan.

Ibinahagi ng husband ng aktres at negosyanteng si Neri Miranda sa IG ang litrato ng kanilang grupo kalakip ang mensahe para sa kanyang mga kabanda.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Parokya ni Edgar (@parokyaniedgar)


“4H reprazent.

“Magkaka-klase kami nila Gab and Vinch nung highschool mula 1st year hanggang 4th year. Nu’ng 4th year kami, binuo na namin ang Parokya,” ang simulang mensahe ni Chito.

Aniya, nakakatuwa na makalipas ang 30 taon ay solid na solid pa rin ang PNE at patuloy pa ring nakapagbibigay ng saya at inspirasyon sa kanilang mga loyal supporters.

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes nanlibre ng pizza, sobrang saya nang mapansin ni BlackPink Rose

“Ang saya lang na buo pa rin yung bandang binuo namin 30yrs ago, still doing what we love best, kasama nila Dindin, Darius, and Buwi.

“Salamat sa lahat ng mga patuloy na nanonood sa mga gigs namin hanggang ngayon,” sey pa ng singer-songwriter.

Marami naman ang nagkomento sa IG post ni Chito na nagpakita at nagparamdam ng kanilang suporta.

“I was actually up in Chicago last night picking up Ava. Wanted to make the show but we ran out of time! Next time you guys come around I’ll be there!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


“Para namang di tumatanda tong si vinci!”

“Solid! Super happy #pneforever. We had so much fun.”

“Last gig nyu Ng napanood ko was before pa ako mag abroad for saudi which was more than a decade na ahuhuhu.. wish I could watch you again!! Solid!! PNE rocks!!!”

Baka Bet Mo: Jhong todo pasalamat kina Regine at Ogie: Hindi makapaniwala ang tatay ko na kaharap kayo habang kumakanta

“Ako nalang mag rap ng part ni francis sa bagsakan pls.”

“Thank you @chitomirandajr for choosing chicago! We have so much fun! Ang lupet nyo pa rin!”

“Grabe solid mo kagabi idol!!!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Woooooah!! Sulit ang panunuod, plus nalang yung nag front act ang banda ng hubby ko at sya rin mismo ang vocalist! Nakakaiyak.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending