Gab Chee Kee muling naka-jam ang Parokya ni Edgar matapos maospital dahil sa lymphoma, hirit ni Chito Miranda: 'Nakakakilabot!' | Bandera

Gab Chee Kee muling naka-jam ang Parokya ni Edgar matapos maospital dahil sa lymphoma, hirit ni Chito Miranda: ‘Nakakakilabot!’

Ervin Santiago - April 25, 2023 - 10:44 AM

Gab Chee Kee muling naka-jam ang Parokya ni Edgar matapos maospital dahil sa lymphoma, hirit ni Chito Miranda: 'Nakakakilabot!'

Chito Miranda at Gab Chee Kee

TUWANG-TUWA ang mga fans at supporters ng bandang Parokya ni Edgar nang muling mapanood ang gitaristang si Gab Chee Kee na tumutugtog.

Nangyari ito nitong nagdaang Linggo nang muling mag-perform ang Parokya sa isa nilang gig kaya naman abot-langit ang kaligayahan ng buong grupo, lalo na ang lead vocalist nilang si Chito Miranda.

Ito ang unang pagkakataon na nakatungtong uli si Gab sa stage kasama ang kanyang mga kabanda matapos maospital at ma-confine dahil sa sakit niyang lymphoma.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


Nagbigay ng update si Chito tungkol sa kundisyon ni Gab kahapon, Abril 24 sa pamamagitan ng kanyang Instagram at Facebook page.

Dito nga niya ipinost ang litrato ni Gab habang naggigitara habang nakikipag-jam sa kanilang gig. Kitang-kita sa itsura ng musikero ang labis na kaligayahan dahil muli nga niyang nakasama ang kanyang banda.

“Nag-jam si Gab kagabi sa Your Song at sa Halaga (don’t worry, nagpaalam sya sa doctor nya, at may kasama syang nurse buong time),” ang simulang pagbabahagi ni Chito sa kanyang IG post.

Baka Bet Mo: Gitarista ng Parokya ni Edgar malapit nang lumabas ng ospital: May cancer pa rin siya, so laban pa Gab! Kayang-kaya yan!’

Inamin ng asawa ni Neri Miranda na nag-worry din siya sa pagtugtog ni Gab nu’ng gabing yun dahil alam naman ng lahat na hindi pa talaga totally magaling ang kaibigan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


“As a bandmate, it was an overwhelming experience. Sobrang saya lang ng feeling na naka-jam si Gab ulit…nakakakilabot,” sey pa ni Chito.

“Sabi ko nga, kung hindi nyo kami tinulungan, wala na siguro si Gab ngayon…pero now, he’s slowly getting his strength back, and is on his way to making a full recovery,” aniya pa.

Dagdag pa ng OPM icon, patuloy pa rin ang pagpapagamot ni Gab at “slowly winning” na aniya ito sa iniindang karamdaman.

Narito ang ilan sa mga comments ng netizens sa muling pagtugtog ni Gab.

“Nakakainspired makita si idol Gab performing again. At mas nakaka admire po ang grupo nyo idol Chito Miranda …salute sa samahan ng Parokya.”

“Nakakainspire Gab!! Isa kang tunay na mandirigma!! So happy for you and PNE. Been a huge fan of PNE simula bata pa ko. Continue to be Legendary!!” komento ng isang fan.”

“Ito yung nakakatuwa, from hospital bed to stage gig. Laban lang sir Gab! May God always guide and protect you from any infection and exacerbation.”

“Nakaka amaze at nakaka touch nung napanood ko ulit si Gab mag perform. Solid talaga ng parokya, walang iwanan at walang kalimutan!”

“Because… YOU’RE THE INCREDIBLE ABSORBING MAN… derecho lang sa pag sagwan idol Gab…. WE LOVE YOU…!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


“Isa sa mga highlight ng event nung sabado. Sobrang solid nyo!!”

“Napaka solido po nung gabi na yun.. may naramdaman akong kurot sa puso ko nung narinig at nakita si Kuya Gab na nasa stage kumakanta at naggigitara.. yung kurot na hindi masaket pero kurot na malambing may dalang saya para sa aming mga taga pakinig nyo.. maraming maraming salamat po sa isang gabi na hindi malilimutan mula sa amin na taga hanga nyo.”

“Nakakatuwa makita na sobrang solid ng banda ng Parokya. Mula ng mga tingting palang sila hanggang lumobo, gang magkapamilya walang iwanan kahit pa sa karamdaman. Ibang klase! Long live Parokya ni Edgar.”

“Yyoooowwwwwnnnnn slowly but surely kuya gab.. praying for your fast and full recovery. walang iwanan sa parokya band.”

Chito Miranda ibinandera ang pag-uwi ng Parokya Ni Edgar guitarist Gab Chee Kee mula sa ospital: Dahil sa tulong ninyo, he survived

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gab Valenciano diagnosed bilang pre-diabetic; nais maging better para sa sarili

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending