Gitarista ng Parokya ni Edgar malapit nang lumabas ng ospital: May cancer pa rin siya, so laban pa Gab! Kayang-kaya yan!’
PATULOY ang pag-aalay ng dasal mga kapamilya, kaibigan at tagasuporta ng Parokya ni Edgar para sa gitarista ng grupong si Gab Chee Kee.
Umaasa ang mga nagmamahal sa miyembro ng iconic OPM band na very soon ay makakalabas na ito ng ospital matapos ngang manatili ng ilang araw sa intensive care unit.
Patuloy na nakikipaglaban sa sakit na lymphoma si Gab pero ayon sa huling pahayag ng kanyang mga kabanda sa isang Facebook post, unti-unti na ang pag-recover ni Gab.
Sabi pa sa nasabing social media post ng Parokya ni Edgar, super happy si Gab nang mailipat na sa regular room ng ospital, kasabay ng pagtanggal sa mga tubong nakakabit sa kanyang katawan.
“FACE REVEAL! Woke up feeling cute, might delete later. Hehe Joke lang! Dahil sa tulong, dasal, at good vibes niyo, eto si Gab ngayon!
“Happy siya dahil nakalipat na siya sa regular room! Isa-isa na tinatanggal yung mga tubes na nakakabit sa katawan niya.
“Excited parang bata, nag-gigitara habang papunta sa regular room! Konti nalang at makakalabas na rin siya ng hospital!
“May cancer pa rin siya, so tuloy-tuloy pa rin ang laban para makasama na namin siya on the stage soon! Laban pa Gab! Kayang-kaya yan!
“God is indeed Good!” ang buong pahayag ng banda.
Maraming Parokya ni Edgar fans ang muling nagpaabot ng pagsuporta kay Gab at nangakong patuloy silang mananalangin para sa mabilis at tuluyan niyang paggaling.
View this post on Instagram
Hanggang ngayon ay patuloy ang pagtutulungan ng mga local artists at mga kapwa banda ng Parokya ni Edgar sa pamamagitan ng mga benefit shows at pagbebenta ng kanilang mga pre-loved na kagamitan para sa pagpapagamot ng gitarista.
Mismong si Chito ang nag-aasikaso sa ilang benefit shows na kanilang ino-organize katuwang ang mga kaibigang local artists and musicians.
Gab Valenciano diagnosed bilang pre-diabetic; nais maging better para sa sarili
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.