Chito sa 10th wedding anniversary nila ni Neri: Mas mahal pa kita ngayon!
MULING ibinandera ni Chito Miranda sa buong mundo kung gaano niya kamahal ang kanyang pinakamamahal na asawang si Neri Naig-Miranda.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ibinahagi ng Parokya ni Edgar vocalist ang kanyang anniversary message para kay Neri na ilang araw ding naging headline dahil sa umano’y pagkakasangkot sa investment scam.
Nagse-celebrate ngayong taon ang celebrity couple ng kanilang ika-10 anibersaryo bilang mag-asawa.
Nag-post si Chito sa IG ng photo nilang mag-asawa kalakip ang kanyang madamdaming message.
Baka Bet Mo: Chito muling pinuri ang asawa: Napakaganda ni Neri, medyo weird, pero sobrang bait!
“Happy 10th Anniversary, asawa ko.
“After 10yrs of being married, masasabi ko talaga na mas mahal pa kita ngayon kesa nung una tayong nagmahalan.
View this post on Instagram
“Sobrang nagpapasalamat ako kay God dahil bliness Nya ako with someone as wonderful and as loving and as sweet as you,” ang bahagi ng kanyang anniversary message kay Neri.
Aniya pa, si Neri raw ang isang buhay na patunay ng isang tao na sa kabila ng pinagdaraanang pagsubok ay nananatiling mabait at makatao. Napakaswerte raw niya at ng kanyang mga anak sa pagkakaroon ng asawa at nanay na tulad ni Neri.
“You are living proof that one can go through hell and back and still choose to be kind.
“Sobrang blessed ng mga anak natin to have you as their mom, and sobrang swerte ako to have you in my life, and I have never been happier.
“I will always take care of you, protect you, and will always love you hanggang tumanda tayo.
“I will always be with you, through thick and thin, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part.
“Happy Anniversary, Ms.Neri. I love you very very much!” ang buong post ni Chito.
Bumuhos din ang mga pagbati para kay Neri mula sa mga netizens kabilang na ang ilang celebrities tulad nina Joross Gamboa, Melissa Ricks, Gian Sotto, Hero Angeles, Paolo Paraiso at Isabel Oli.
Ang selebrasyon nina Chito at Neri ng kanilang anibersaryo ay nangyari dalawang linggo mula nang pansamantalang makalaya si Neri sa Pasay City Jail Female Dormintory.
Inaresto at ikinulong ang aktres at negosyante dahil sa kasong 14 counts of violation of Securities Regulation Code at syndicated estafa.
Ngunit matapos ngang magpiyansa ng mahigit P1 million ay pinalaya nga si Neri dahil na rin sa teknikalidad ng kaso na isinampa sa Pasay City Regional Trial Court. Ito at ayon mismo kay Atty. Roberto Labe, ang abogado ng mga complainant
Sabi ni Labe sa isang panayam, “Unang-una po ay kasama o kabahagi po yan ng proseso ng ating batas kaya po okay lang naman sa amin yung siya po ay pansamantalang nakawala.
“Ito po ay aking naipaliwanag naman sa kanila (mga kliyente niya) kung bakit po sa naging order ng ating korte sa Pasay City, malugod naman po nila itong naintindihan at tinanggap,” sabi ng abogado.
Paliwanag pa niya kung bakit nakalaya si Neri sa kulungan kahit non-bailable ang syndicated estafa, “Ito po ay dahil sa proseso na diumano ay hindi po siya nakatanggap ng complaint at hindi siya nakapag-file ng kanyang counter-affidavit.
“Ito po ay constitutional right ng bawat akusado kung saan dapat po sila ay nakapag-participate sa level po ng piskalya.
“So, yun po ang idinidiin ng kanyang mga abogado.
“At dahil po dito ay nakita naman ito ng judge at nakita ko rin sa mga clients ko, na ayon sa mga documents na isinumite ng piskalya sa korte ay wala nga hong patunay na sila ay nakatanggap nung complaint-affidavit na yun yung finile namin sa kanila sa level ng piskalya
“So, naiintindihan naman po namin kung kaya ito po ay na-remand sa level ng piskal,” dagdag ng abogado.
Sabi naman ng legal counsel ni Neri na si Atty. Aureli Sinsuat, umaasa silang mabibigyan ng patas na pagkakataon para sagutin ang lahat ng mga kasong isinampa laban sa aktres.
Narito ang official statement ng kampo ni Neri, “The reinvestigation will provide an opportunity for Neri to respond to the allegations against her.
“We are hopeful that the reinvestigation will clear Neri of any wrongdoing in the Dermacare/Beyond Skin Care Solutions case.
“This development marks an important step toward resolving the matter fairly and justly.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.