Aga kina Andres at Atasha: Wala kayong karapatang maging mayabang

Aga kina Andres at Atasha: Wala kayong karapatang maging mayabang!

Ervin Santiago - January 14, 2025 - 07:00 AM

Aga kina Andres at Atasha: Wala kayong karapatang maging mayabang!

Atasha Muhlach, Charlene Gonzalez, Aga at Andres Muhlach

HINDI nagsasawa ang premyadong aktor at dating matinee idol na si Aga Muhlach na laging paalalahanan ang kambal na anak na sina Atasha at Andres Muhlach.

Ngayong pareho nang nasa mundo ng showbiz ang dalawang anak ay talagang pinapayuhan niya ang mga ito upang magtagal sa pinili nilang career at magkaroon din ng marka sa industriya na kinalakihan din niya.

“Ang advice ko sa kanila is trabaho ‘yan, ha. Kung ano ‘yung nakikita n’yo sa akin na ngayon ito ‘yung end result of hard work, so you have to go through that hard work,” ang pahayag ni Aga sa panayam ni MJ Felipe para sa TFC show na “BRGY.”

Patuloy na pagbabahagi ng award-winning actor at maituturing na ring icon sa entertainment industry, “When you see all of these parang glamorized life, the good life, lahat ‘yan that’s all because of hard work, tears, lahat ‘yan, so dadaanan niyo ‘yan.”

Baka Bet Mo: Willie winawasak ng mga taong natulungan noon: ‘May binigyan ako ng condo at kotse, ngayon tinawag pa akong mayabang’

Ang isa raw sa palagi niyang ipinaaalala kina Atasha at Andres, “Just always be the kindest person you can be, ‘yun lang ang reminder ko sa kanila.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aga Muhlach (@agamuhlach317)


Pagpapatuloy pa ni Aga, “Sabi ko huwag kayong mayabang, maging totoong tao kayo, maging tapat kayo at magtrabaho kayo, hanapbuhay ‘yan, eh.”

In fairness, nagkakaisa ang mga taga-showbiz at iba pang taong nakakasalamuha ng kambal na maayos ang naging pagpapalaki nila ni Charlene Gonzalez sa kanilang mga anak.

Bukod sa magagalang at mababait ay marespeto rin ang celebrity twins. Reaksyon ni Aga, “They grew up that way. Growing up ganyan na ‘yung paghuhulma ko sa kanila na wala kayong karapatan na maging mayabang sa mundong ito.

“Kailangan maging maayos kayo sa tao, maging mabait kayo parati. Ganun lang, so hanggang sa pag-aartista nila, naiintindihan na nila ‘yun,” aniya.

Dagdag pang sey ng aktor, “My family is talagang we were quiet, tahimik lang ang buhay namin. We always kept it private as much as we can.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“The kids grew up that way also, kahit nasa limelight sila or kami, we’ve always kept it private,” lahad pa ng aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending