Willie winawasak ng mga taong natulungan noon: 'May binigyan ako ng condo at kotse, ngayon tinawag pa akong mayabang' | Bandera

Willie winawasak ng mga taong natulungan noon: ‘May binigyan ako ng condo at kotse, ngayon tinawag pa akong mayabang’

Ervin Santiago |February 08,2023
facebook
share this

Willie winawasak ng mga taong natulungan noon: ‘May binigyan ako ng condo at kotse, ngayon tinawag pa akong mayabang’

Ervin Santiago - February 08, 2023 - 09:06 AM

Willie winawasak ng mga taong natulungan noon: 'May binigyan ako ng condo at kotse, ngayon tinawag pa akong mayabang'

Willie Revillame

PART 2 ito ng naisulat namin dito sa BANDERA tungkol sa paglalabas ni Willie Revillame ng kanyang sama ng loob sa mga taong namba-bash sa kanya at sa “Wowowin.”

Nagalit na nga ang TV host sa mga nagpapakalat ng fake news na mawawala na sa ere ang kanyang programa sa ALLTV pati na ang ilang shows ng network.

Talagang binalaan pa niya ang mga kilalang personalidad na natulungan daw niya noon pero winawalanghiya at sinisiraan daw siya ngayon.

“Hindi na ako matatakot sa inyong lahat! Laban na ito kung laban. Masyado niyo na akong inaapi. Masyado niyo na akong sinasaktan. Hindi ako susuko sa inyo.

“I-vlog n’yo ako bukas! Pagtulung-tulungan n’yo ako, hindi ako natatakot! Yun ang gusto n’yo? Okay lang, sige!

“Tirahin n’yo ako araw-araw, minu-minuto, I don’t care! Kayo ang may utang na loob sa akin! Hindi ako! Tandaan niyo yan sa buhay niyo!”

“Bukas! Kahit ngayon, i-vlog niyo ako. Araw-araw ko din sasabihin kung sino kayo! At sasabihin ko ang mga pangalan ninyo, in time! Kung sino kayo!” ang matapang na warning ng veteran TV host.

May mga ibinahaging kuwento si Willie tungkol sa mga taong ito tulad na lang ng binigyan niya noon ng condo unit at kotse pero ngayon ay sinabihan pa siyang “mayabang”.

“Meron lang ho ako maikuwento. Alam nyo, maraming mga naglalabasan ngayon na medyo talagang winawasak ang pagkatao ko, sinisiraan.

“Maikuwento ko lang sa inyo, meron akong mga taong minahal at tinulungan. May binigyan ako na isang unit dito (Wil Tower). Unit ng condominium, binigyan ko pa ng kotse.

“Malapit ho sa akin yan. Sinabihan pa ako na mayabang ngayon. Isipin niyo ang mga ginagawa sa akin ng mga taong yan. Uulitin ko po, yan. Totoo yan! Bukas iba-bash niyo ako? Bukas, sasabihin ng lahat, mayabang!” ang masamang-masama ang loob na pahayag ng beteranong TV host.

Hirit pa niya, “Mayabang? Binigyan kita ng isang unit, condominium sa Wil Tower! Regalo ko sa yo. Binigyan kita ng brand new na kotse.

“Ngayon, sasabihin mo sa vlog mo, mayabang ako? Kapag may kailangan ka, may hinihingi ka sa akin na tulong, ‘Lapitan mo ito anak. Bigyan mo ito ng one million.’

“Ano ang ginawa ko, di ba? May inilalapit ka sa aking mga artista na hirap sa buhay. Ilan? Binigyan ko ng tig-isang milyon, di ba?

“Gusto niyo ng totohanan? During the pandemic, sinong tumutulong sa reporters? Sampung libo, buwan-buwan? Sino?

“Hindi ko kayo sinusumbatan. Ipinapaalaala ko lang sa inyo! Dalawang taon, hindi ko pinutol yan. Halos lahat ng supporters na inilapit mo sa akin, binibigyan ko ng 10 libo buwan-buwan.

“Bakit? Gusto ko lang makabili sila ng bigas. May nagpasalamat ba sa akin? Wala!” aniya pa.

Pagpapatuloy pa niya, “May isa naman, nagmamakaawa raw ako. Nagpapaawa ako. Hindi ako nagpapaawa!

“Nu’ng tatakbo kang konsehal, pumunta ka sa kuwarto ko sa Channel 2. Binigyan kita ng singkuwenta mil (P50,000). Natalo ka. Kilala mo kung sino ka. Aminin mo yan!

“Tatlo kayong nagho-host, nagpapatawa ka. Baka nalimutan mo, binigyan kita ng P50,000, tatakbo kang konsehal. That was mga year 2000. Natalo ka!

“Yan ang gusto niyo na labanan? Hindi ko ikinukuwento ito pero tinitira niyo ako ngayon! Binigyan kita ng singkuwenta mil, tatakbo kang konsehal. Reporter ka! Sasabihin ko na lahat!” sabi pa niya.

“Gusto niyo nang ganitong labanan? Naging mabait ako sa inyo. Wala kayong nadinig sa akin. Kung ano ang kailangan niyong tulong, ibinigay ko sa inyo!” dagdag pang pahayag ng “Wowowin” host.

Meron din daw isang showbiz personality na tinulungan niya nang magpakasal. Binigyan din niya ito ng trabaho noon sa “Wowowin.”

“Tapos yung isa, nag-Ingles-Ingles ka pa! Naging kasama ka namin sa production. Kapag pumapasok ka, di ba natutulog ka?

“Papasok ka sa dressing room ko, ‘Kuya Wils, I cannot do this. You know, I feel so dizzy.’ May mga ganoon-ganoon ka pa sa akin.

“Baka nakakalimutan mo, ikinasal ka sa Tagaytay? Sa akin natulog ang nanay at tatay mo, sa bahay ko sa Tagaytay.

“Ang galing-galing mong sumayaw, malapit ka sa Diyos, ang pamilya mo. Nagko-comment ka ngayon.

“O ano, baka nakalimutan mo, kinupkop ko kayo nung kakasalin ka sa Tagaytay. Napahiwalay ka. Du’n natulog sa akin ang tatay at nanay mo.

“Hindi ko ito isinusumbat. Yan ang gusto niyo, malaman ng mga tao yung totoo. Huwag kayong ganyan! Tumingin kayo sa pinanggalingan…

“Tumingin kayo sa inutangan nyo ng utang na loob dahil ako, marunong ako (tumanaw) ng utang na loob. Uulitin ko po, yan. Totoo yan! Bukas iba-bash niyo ako? Bukas, sasabihin ng lahat, mayabang!” mariin pa niyang pahayag.

Sa huli, nag-sorry si Willie sa mga  manonood dahil sa paglalabas niya ng sama ng loob, “Alam ninyo, pasensiya na kayo. Lahat na lang, nag-trending ako. Winawasak ang pagkatao ko!

“Tapos ngayon, mayabang ako. Kung anu-ano ang mga sinasabi ninyo! Kung tatanggalin niyo ako dito, okay lang!

“Mamamatay ba ako? Magugutom ba ako? Gagawa ako ng paraan sa buhay ko. Pasensiya na ho sa lahat. “Yung mga nagmamahal sa akin, ipaglaban niyo naman itong programa natin.

“Hindi ko kayo sinasabihan kasi ito hong programang ito para sa inyo. Para sa inyo ho ito!

“Nagbibigay ho kami ng tulong, sampung libo, bente mil, araw-araw! Dalawang daang libo ho yan na inaabot. Limang milyon ho yan isang buwan na ginagawa ng programang ito at sa tulong din ng ALLTV. Kailangan malaman niyo yung totoo.

“Sige, tirahin niyo pa ako! Papangalanan ko na kayo kung sino kayo! Lahat ng inilapit niyo sa akin na mga artista na kailangan ng pera, hindi ko kayo tinanggihan! Lahat! Totoo yan.

“Binigyan ko kayo ng tulong dati, nakalimutan niyo, tinitira niyo pa ako! Anong klaseng tao kayo?” aniya pa.

Darren Espanto naiyak nang ibahagi ang pangako sa magulang; Seth Fedelin umaming takot pa rin sa parents

Vice Ganda binigyan ng powers ng ABS-CBN para patakbuhin ang ‘It’s Showtime’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice nagpasalamat sa Diyos sa pagdating ni Ion: Ang bait Mo binigyan Mo ako ng ganito…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending