Vice Ganda binigyan ng powers ng ABS-CBN para patakbuhin ang 'It's Showtime' | Bandera

Vice Ganda binigyan ng powers ng ABS-CBN para patakbuhin ang ‘It’s Showtime’

Reggee Bonoan |January 26,2022
facebook
share this

Vice Ganda binigyan ng powers ng ABS-CBN para patakbuhin ang ‘It’s Showtime’

Reggee Bonoan - January 26, 2022 - 03:56 PM

Vice Ganda

IBINUKING ni Ogie Diaz sa vlog nitong “Showbiz Update” kasama sina Mama Loi at Mrena na binigyan ng power ng ABS-CBN management si Vice Ganda sa programang “It’s Showtime”.

Aniya, “Sa totoo lang isa sa pinagkukuhanan ng desisyon diyan sa Showtime si Vice Ganda. Pag may mga programa sila o mayroon silang bagong segment na naisip ay ikukunsulta yan kay Vice.

“Actually ang alam ko, e, binigyan ng power si Vice na magdesisyon para sa show or magkonsulta sa kanya ang mga staff,” pahayag ng talent manager at vlogger.

Tanong ni Mama Loi, “Parang creative consultant?”

Sagot kaagad ni Ogie, “Exactly! Ako nga ang dating sa akin, BUH, eh.”

Sabi ni Mama Loi, “Ay business unit head? Ah, kasi meron siyang say ‘Nay?”

“Oo, kasi nakakahiya naman kung kukunsulta ka sa wala namang napatunayan. Nakakahiya naman kung kukunsulta ka sa hindi naman panalo sa show, so, siyempre doon ka kokonsulta sa tao na una tinitingala sa show, pangalawa, ‘yung source of energy ng show pinaghuhugutan nila.

“Kasi sa totoo lang matalino naman ‘yang baklang ‘yan! In fairness to him kapag sa meeting-meeting ang dami niyang baon, doon niya naibubuhos,” paliwanag ni Ogie.

Hirit uli ni Mama Loi, “At saka ‘Nay someone na concerned doon sa show.”

View this post on Instagram

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


Sa pagpapatuloy ni Ogie, “Mahal ni Vice ‘yung show kaya siguro nasaktan siya sa sinabi ni Ate Lolit (Solis) kasi para kay Vice hindi totoo ‘yun. 

“Kay Vice, concerned ako sa show, nagmamalasakit ako sa show, eto ang alam kong makabubuti para sa show. 

“Siguro nakarating kay ate Lolit iba ang kuwento or pinaninindigan ng nagkuwento kay ate Lolit na ito ang nangyari, so, hindi rin natin alam para husgahan natin si ate Lolit,” sabi pa niya.

Nasambit kasi ni Manay Lolit na nagpa-power tripping si Vice sa “Showtime” na ipinost niya noong Enero 19 sa Instagram.

Aniya, “Medyo alarming iyon mga balita na nagpa power tripping si Vice Ganda. Balita na parang siya na ang nagpapa takbo ng Showtime, siya na ang nasusunod sa lahat ng galaw ng programa.”

Kaya nagpaliwanag si Ogie kung ano ang posisyon ni Vice sa nasabing programa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag na sabi pa ng vlogger, “May sarili ring source si ate Lolit, so it’s a matter of tama ba o mali ‘yung source, ‘yun lang naman ‘yun.”

Vice nagpasalamat sa Diyos sa pagdating ni Ion: Ang bait Mo binigyan Mo ako ng ganito…

Totoo ba ang chika, Andrea sinugod daw si Francine sa dressing room dahil kay Seth?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending