Ashley Ortega suportado ni Carmina, palaging pinapanood sa 'PBB'

Ashley Ortega suportado ni Carmina, palaging pinapanood sa ‘PBB’

Therese Arceo - April 18, 2025 - 07:16 PM

Ashley Ortega suportado ni Carmina, palaging pinapanood sa 'PBB'

NAGING bukas ang Sparkle artist na si Ashley Ortega sa mga pangyayari sa kanyang buhay matapos ang pagbabalik niya sa outside world.

Sa kanyang panayam kay Ogie Diaz, ikinuwento niya kung ano ang mga naging ganap niya matapos na maging first evictee sa edisyon ng “Pinoy Big Brother Celebrity Collab” kasama ang ka-duo na si AC Bonifacio.

Isa sa mga naibahagi ni Ashley ay ang pagkakatanggap ng text message mula kay Carmina Villarroel na ina ng kanyang boyfriend na si Mavy Legaspi.

Ramdam na ramdam raw niya ang suporta ng pamilya ng kanyang dyowa sa kanya.

Baka Bet Mo: Ashley Ortega matapos lumabas sa PBB: I hope I get to inspire a lot of people!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“‘Nung kakalabas ko lang ng bahay ni Kuya, nag-text agad sa’kin si tita Mina which I really appreciate. Kinumusta niya ako agad.

“Sabi niya, ‘Hi Ash, how are you? Welcome to the outside world. I am so proud of you for being a strong woman. I can’t wait to see you soon. Take care,'” pagbabahagi ni Ashley.

Bukod pa rito, naikuwento rin sa kanya ng mga ito ang madalas nilang panonood ng PBB.

Dito ay nachika ni Ashley ang kanyang naramdaman noong unang gabi nila sa Bahay ni Kuya kung saan unexpectedly ay makakasama pala niya si Mavy bilang houseguest.

Aminado siya na talagang kinabahan siya dahil makikita na ng buong mundo kung paano sila ni Mavy bilang magkarelasyon.

At dahil rin sa PBB ay mas nakilala ng pamilya ni Mavy kung sino ang totoong Ashley.

Sa tanong naman kung may naging bilin sa kanya ang mga magulang ni Mavy, sinabi niya na wala pero ramdam niya ang pagtanggap ng mga ito sa kanya at nakasama rin niya ito nang imbitahan siya sa kanilang Christmas dinner last year.

Sey ni Ashley, “Noong magde-date pa lang kami ni Mavy, noong mga first few weeks ng dating stage namin, wala naman silang binilin sa akin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung sino naman ‘yung parang mahal ni Mavy, sinusuportahan talaga nila.”

Nakatrabaho na rin noon ni Ashley si Carmina sa Kapuso teleserye na “Widow’s War” habang naging tatay naman niya si Zoren sa isang show.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending