Aga, Direk Dan bakit hindi 'nominado' sa MMFF Gabi ng Parangal?

Aga, Direk Dan bakit hindi ‘nominado’ sa MMFF Gabi ng Parangal?

Reggee Bonoan - December 28, 2024 - 05:18 PM

Aga, Direk Dan bakit 'dedma' sa nominasyon ng MMFF awards night?

Aga Muhlach, Direk Dan Villegas

SUNOD-SUNOD ang messages at tawag na natanggap namin ngayong araw, December 28, hanggang sa sinusulat namin ang balitang ito tungkol sa naganap na 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal na ginanap sa Solaire Grand Ballroom, Solaire Resort Entertainment City sa Paranaque.

Bakit sunud-sunod, marami kasi ang nakisimpatiya sa Team “Uninvited” dahil tila dinedma ito ng mga hurado ng MMFF.

Unang-una, bakit hindi nominado si Aga Muhlach sa pagka-Best Actor para sa mahusay nitong pagganap sa pelikulang “Uninvited” na halos lahat ng reviews mula sa movie reviewers ay iisa ang sinasabi, “Magaling si Aga, bitin nga [lang].”

Hindi naman kinukuwestiyon kung sino ang nanalo at talagang deserved din naman ni Dennis Trillo ang Best Actor trophy sa pagganap niya sa pelikulang “Green Bones.”

Isa pang hindi nominado ay ang direktor ng “Uninvited” na si Dan Villegas, ang ibig sabihin kaya nito ay hindi maganda ang pelikulang idinirek niya?

Again, wala rin kuwestiyon kung sino ang mga nanalo sa awards night, pero sana naisama sa nominasyon ang mga nabanggit.

Iisa ang tanong sa amin ng mga taong concerned, ano po ba ang criteria ng pagiging hurado sa MMFF?

Marami ang naniniwala at nagsasabi na para maging hurado ka ay dapat may alam ka sa industriya sa paggawa ng pelikula.

Base sa mga nabasa naming pangalan na MMFF members ay sina Ginoong John Arcilla (actor), Mr. Paolo Villaluna (Director General Film Academy of the Philippines), Mr. Roy Iglesias (Scriptwriter), Ginoong Jesse Ejercito (Producer, Philippine Motion Pictures Producers Association), Ms. Videlle Lee Briones-Meily (Cinematographer) at Marinel Cruz (Entertainment Journalist).

Kasali rin diyan ang Board of Jurors na sina ginoong Nicanor Tiongson (Chairman/Film & Theater Critic at former Vice President ng Cultural Center of the Philippines), Mr. Jose Javier Reyes (Co-Chairman/chairperson & CEO Film Development Council of the Philippines) at Sec .Amenah Pangandaman (Vice-chairman/Secretary, Department of Budget and Management (DBM).

Karamihan sa mga nabanggit ay kunektado naman sa movie industry.

Bukod diyan, naniniwala din naman ang lahat na kaya napasama sa 10 entries for MMFF ang “Uninvited” ay dahil maganda ito at hindi naman siguro ito pipiliin kung hindi ito karapat-dapat.

Trending kagabi pa ang ginawang pangbabalewala umano kina Aga at Direk Dan dahil mismong netizens na ang nagtatanong anong nangyari na makikita rin sa kanilang socmed posts.

At heto pa, may nakarating sa amin na chika na may mga miyembro ang bumoto raw umano kay Aga, pero bakit hindi napasama sa nominado?

May natanggap kaming balita na ang sabi ay, “Binago ang scoring. Nagpalit ng judging mechanics.”

Dagdag pa ng aming source, “May sumabotahe sa Uninvited.”

Marami pang kwento sa amin, pero hindi na muna namin ilalabas.

Sabi pa sa amin, “Ganyan din ginawa sa ‘Mallari’ last year ‘di ba? May leak na hindi mananalo ang ‘Mallari’ kasi may humaharang.”

Kung totoo nga ito, sino naman kaya ang sinasabing humaharang at bakit?

Anyway, sabi nga may nanalo na kaya better luck next time.

Bukas ang BANDERA sa panig ng MMDA at MMFF judges kaugnay sa nabalitaan naming isyu.

Samantala, nauna nang nag-post sa Facebook ang tagapagsalita ng MMFF na si Noel Ferrer at nilinaw niya na patas at hindi luto ang mga itinanghal na panalo sa awards night.

Ang pagpili raw sa mga nanalo ay talagang naging masusi at matagal na pinag-isipan.

“No leaks, definitely no cooking show,” giit niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey niya pa sa bahagi ng post, “Only the Jury Chair and the MMFF Executive Director knew the results, not even I or any member of the Execom. Rest assured, there was due process and the judgment was fair and sound and final!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending