'Summer-Saya Together' ng TV5 maraming pasabog para sa Pinoy

‘Summer-Saya Together’ ng TV5 maraming pasabog para sa mga Pinoy

Ervin Santiago - March 30, 2025 - 08:54 AM
'Summer-Saya Together' ng TV5 maraming pasabog para sa mga Pinoy

MAINIT ang panahon pero mas mainit ang mga pasabog ng TV5 sa bonggang-bongga nilang “Summer-Saya Together” campaign.

May matitinding tapatan, nakakakabang pagtatapos, at pinaka-exciting sa lahat, may pa-trip to Japan para sa dalawang maswerteng manonood!

Mas matindi na ang mga eksena sa nalalapit na pagtatapos ng “Ang Himala ni Niño.” Matutunghayan kung paano muling babalik ang pananampalataya ng mga taga-Bukang Liwayway dahil sa mga himala ni Lolo Mars.

Dito rin matutuklasan ni Niño ang kanyang sariling kakayahang magdulot ng pagbabago.

Sa “Lumuhod Ka sa Lupa”, malalaman na ni Jane na si Christine pala ang tunay niyang ina. Magkakaisa sina Christine at Norman para pabagsakin si Benito. Hindi dapat palampasin ang matinding paghaharap sa nalalapit na pagtatapos.

Mas mainit ang weekend sa unang live elimination round ng “Sing Galing” sa April 5. Sa “Be The NEXT: 9 Dreamers”, magpapagalingan ang 75 trainees hanggang 45 na lang ang matira.

Magdiriwang naman ng ika-30 anibersaryo ang “ASAP” na may espesyal na selebrasyon. Babalik din ang “American Idol” na may bago pang hurado – si Carrie Underwood na isang Grammy winner at dating Idol champion.

Mas riot naman ang “Da Pers Family” sa kanilang mga bagong episodes. Mas maraming kulitan at good vibes mula sa Muhlach family na gumaganap bilang pamilya Persival.

At siyempre, ang pinakaaabangang papremyo ng TV5 sa kanilang “Tara Na sa Saya: Win a Trip Promo.” Dalawang maswerteng manonood ang makakatanggap ng all-expense paid trip to Japan.

Kasama na ang free airfare at accommodation, plus 4-day, 3-night adventure kasama si Maoui David mula sa “Güd Morning Kapatid.”

Abangan ang mas marami pang pasabog mula sa TV5. I-follow ang TV5 sa social media para hindi mahuli sa saya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending