Trulili ba, Vice Ganda tumangging mag-judge sa PGT 7 dahil sa TV5?

Vice Ganda, Freddie Garcia, Kathryn Bernardo, Eugene Domingo at Donny Pangilinan
GAANO katotoo ang chika na tumanggi umano ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda na maging judge sa pagbabalik ng “Pilipinas Got Talent”?
Muling mapapanood ang naturang reality talent competition sa ABS-CBN kung saan magsisilbing hosts sina Melai Cantiveros at Robi Domingo.
Uupo naman bilang mga hurado sina Freddie M. Garcia o FMG, Eugene Domingo, Donny Pangilinan at ang Box-office Queen na si Kathryn Bernardo.
Ang chika kasi, hindi raw pumayag si Vice na maging judge sa “PGT Season 7” dahil nalaman niya umano na bukod sa Kapamilya Network ay ipalalalabas din ito sa TV5.
Isa ang balitang ito sa mga napag-usapan sa YouTube channel na “Ogie Diaz Showbiz Update.” Ayon sa co-host ni Mama Ogs na si Tita Jegs, dapat daw ay kasama talaga sa line-up ng mga hurado si Vice pero hindi nga ito natuloy.
View this post on Instagram
“Actually, oo kasama dapat diyan si Meme kaya lang no’ng malaman daw ni Vice Ganda na ito ay ipalalabas sa TV5, nag-back out si Vice,” ang pahayag ng online host.
“Bakit?” ang nagtatakang tanong naman ng isa pang kasama sa show na si Mama Loi.
Paliwanag ni Ogie, “Parang may kinalaman pa rin daw ito doon sa dating tampo o sama ng loob ni Vice sa TV5 noong bigla na lang silang kinansel supposedly doon sa, ang It’s Showtime hindi naman doon sa GMA 7.
“Kaya lang biglang pinaboran ng TV5 daw noon ‘yung Eat Bulaga kaya parang inilalagay sila sa panghapong slot,” sey pa ni Ogie.
Ang panghapong slot na kanyang tinutukoy ay ang inookupa ngayon ng “Wil To Win” ni Willie Revillame na napapanood bago ang “Frontline Pilipinas” newscast naman ng TV5.
“Eh siyempre parang demotion ‘yun siguro para kay Vice Ganda, na parang ‘Bakit n’yo kami ilalagay sa hapon? Parang replay o ano ba ‘to, delayed telecast? Ganyan. Kaya mula daw noon, nabuo ‘yung tampo ni Vice,” ayon pa kay Mama Ogs.
Kaya naman, ang chika, sey pa ni Ogie, hangga’t maaari ay ayaw na munang i-involve ni Vice ang sarili sa anumang may konek sa Kapatid Network. Ang mantra raw kasi ng TV host sa buhay, ‘Kung ayaw mo sa akin, huwag na rin tayong magtrabaho.”
View this post on Instagram
Isa si Vice sa mga naging hurado sa huling season ng “PGT” kung saan nakasama niya sina FMG, Robin Padilla at Angel Locsin.
Kung matatandaan, nagsalita na si Vice tungkol sa isyu noong 2023, kung saan dinenay niya na masama ang loob niya sa TV5.
“Ay wala. Wala akong galit sa TV5. Nalungkot ako sa naging desisyon ng TV5 kasi siyempre hindi pabor sa amin ‘yon eh, siyempre sa buhay naman, mas masaya tayo kapag ang mga nangyayari eh pabor sa atin.
“Pero hindi sa lahat ng pagkakataon, eh magiging pabor sa ‘yo ang oras, ang pangyayari, ang mga desisyon. May mga pagkakataong may mapapaborang iba. Masakit man, malungkot man sa damdamin pero kailangan mong tanggapin ‘yon at kailangan mong irespeto ‘yon.
“Masaktan man kami, nasaktan man ako, nalungkot man ako, hindi puwedeng mawala sa amin ‘yung pasasalamat sa TV5, ang laki ng itinulong nila sa amin ha, kaya nga excited kami noong nakapasok kami sa TV5, 12:45 yata ‘yon, masayang-masaya kami, kita mo naman ‘yong opening namin.
“Hindi kami puwedeng magalit sa kanila kasi napasaya nila kami eh, minsan sa buhay namin, tinulungan nila kami. Minsan sa buhay namin nakaramdam kami ng pagdiriwang at kasiyahan dahil sa tulong nila.
“And that will forever be one great reasons to be grateful to them. Maraming, maraming salamat sa TV5,” sabi pa ni Vice.
Bukas ang BANDERA sa magiging reaksiyon ng Unkabogable Star hinggil sa isyung ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.