Robi Domingo tinulungan ng netizens para hantingin ang ‘fan’ ni Belle

Robi Domingo, Melai Cantiveros, Bianca Gonzalez, Alexa Ilacad, Gabbi Garcia at Mavy Legaspi
AYAW munang magbigay ng detalye ni Robi Domingo tungkol sa pagpunta niya sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) para ireklamo ang netizen na nagbanta sa kanya.
Ayon sa Kapamilya TV host may proseso raw ito kaya hindi pa siya makapagbibigay ng update hinggil sa isasampa niyang complaint.
Nag-ugat ito sa post ng nagpakilalang fan ni Belle Mariano matapos ihayag ng ABS-CBN na isa sa mga magiging hurado sa pagbabalik ng “Pilipinas Got Talent” ay ang ka-loveteam ng aktres na si Donny Pangilinan.
Si Robi ang magsisilbing host ng bagong edition ng “PGT” kasama ang partner din niya sa “Pinoy Big Brother” na si Melai Cantiveros.
Baka Bet Mo: Robi Domingo ibinuking ang tatay: ‘Ayaw niya palang pumasok sa PBB house para samahan ako, kasi…’
Komento ng netizen, “@iamrobidomingo ay subukan mo lang na i-match si @donny at @bernardokath ready ready and solid supporters ni Belle Mariano na ibash ka mula ulo mo hanggang paa.
“WAG MO ITOLERATE yung KA LANDIAN ng peste mong kaibigan,” ang matapang na babala ng hater.
Hindi nga ito pinalampas ni Robi at talagang sinupalpal niya ang basher, “Can I consider this as a threat? Can I take legal actions against this? I don’t tolerate this behavior.”
View this post on Instagram
Kasunod nito, nag-message si Belle kay Robi at sinigurong hindi raw gagawin yun ng kanyang mga tunay na supporters.
Sa naganap na presscon ng “PBB Celebrity Collab Edition” natanong si Robi kung ano ang reaksyon niya sa ipinadalang message ni Belle.
“I have the message here. Ang sabi lang niya sa akin, ‘Rest assured, Kuya, my real fans won’t do that. I’m just here.’
“I really appreciated that. Hindi naman niya kailangang gawin yun, kasi I did my research. Alam kong troll yung taong nagbigay ng comment na yun.
“But for me kasi, troll o hindi, may tao pa rin sa likod ng keyboard na yun, na nag-type nu’n. And this is really setting an example na maging accountable ka naman sa lahat na mga tina-type,” chika ni Robi.
Mukhang natukoy na rin nila ang identity ng nagbantang netizen, “Everything. It’s not just because of me, it’s because of the fans. Nag-chat sila e. Kasi dahil nga sa virality na nangyari, I don’t have to do anything. I just let them do everything.”
Samantala, mapapanood ang “PBB Celebrity Collab Edition” sa GMA 7 gabi-gabi pati na rin sa Pinoy Big Brother YouTube page, Kapamilya Online Live, at iWant TFC.
Ayon kay Robi, pagdating sa online ay asahan na raw ang mga bashing sa mga housemates na magmumula sa Star Magic at Sparkle, pati na rin sa kanilang mga host.
Sey ni Robi, “I think kapag sinabing celebrity ano na agad e, engraved na sa kanya yung defense systems… yung mechanism na you have to really prepare.
“Especially when you go online, di ba? Ang daming mga unnecessary comments, mga trolls. Being viral is a good thing. Pero may mga repercussions din siya siyempre. May mga effects siya.
“So, last season, yung first na parang stern warning. Actually, every week nagpapaalala kami na be kind sa social media.
“Kasi grabe na yung mga threats talaga na nare-receive ng mga housemates, and their families are involved as well. Kaya, grabe kami sa pag-prepare ng mga sarili namin,” paliwanag ng TV host.
Dagdag pa niya, “Actually for this season, especially ang mga celebrities, handa sila. But at the same time, yung mga celebrities, gumagawa ng social media para ipakita yung kakaibang side, di ba?
“Na marunong din akong magluto, eto rin yung mga hobbies ko, tao rin ako. The end of the day, celebrities are people as well like you and me, just like everyone else.
“Kaya makikita nila yung difference all the celebrities from Sparkle and from Star Magic,” lahad ni Robi.
Bukod kay Robi, makakasama rin niya bilang hosts sina Melai Cantiveros, Bianca Gonzalez, Gabbi Garcia, Mavy Legaspi at Alexa Ilacad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.