Robi Domingo ibinuking ang tatay: 'Ayaw niya palang pumasok sa PBB house para samahan ako, kasi...' | Bandera

Robi Domingo ibinuking ang tatay: ‘Ayaw niya palang pumasok sa PBB house para samahan ako, kasi…’

Ervin Santiago |February 26,2023
facebook
share this

Robi Domingo ibinuking ang tatay: ‘Ayaw niya palang pumasok sa PBB house para samahan ako, kasi…’

Ervin Santiago - February 26, 2023 - 08:01 AM

Robi Domingo ibinuking ang tatay: 'Ayaw niya palang pumasok sa PBB house para samahan ako, kasi...'

Robi Domingo at Maiqui Pineda

EMOSYONAL na binalikan ng Kapamilya TV host ba si Robi Domingo ang ginawang pagsuporta sa kanya ng magulang para matupad ang kanyang mga pangarap sa buhay.

Mula raw noong pasukin niya ang mundo ng showbiz hanggang sa desisyon niyang lumagay na sa tahimik ay hindi siya iniwan ng kanyang ama’t ina, lalo na sa mga panahong humaharap siya sa mga pagsubok.

“Ang sarap ng pakiramdam na inalagaan akong mabuti ng mga magulang ko, tapos sila ‘yung nag-push sa akin sa ‘PBB’ (Pinoy Big Brother),” pagbabahagi ng binata sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay”.

“Tapos nalaman ko na lang ‘yung kuwento na ayaw pala ni Papa pumasok (sa PBB). Kasi nu’ng audition namin kailangan kasama ‘yung magulang, ayaw niya pumasok.

“Kasi hindi ba ‘yung practice niya magsa-suffer, ‘yung mga residente niya pagtatawanan daw siya na ‘ano ba yan si Doc Boy showbiz…’ Tapos tinanong niya ang boss niya, ‘Ano ba ang importante sa iyo trabaho o pamilya?’ Sabi niya ‘pamilya, yung anak ko, kaya papasok ako.’ Kaya na-touch ako roon sa tatay ko,” pagbabahagi pa ni Robi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Robi Domingo (@iamrobidomingo)


“And si Mama naman always nandiyan. Hanggang ngayon siya ‘yung sumasama sa amin sa occular sa kasal, siya ‘yung nag-aasikaso ng kasal, ‘yung singsing siya ang bumili.

“So malaking bahagi sila ng buhay ko talaga na kung paano ko ipinaparinig ang boses ko ay dahil sa binigyan nila ako ng boses,” kuwento pa ng TV host na naghahanda na nga sa kasal nila ng kanyang fiancèe na si Maiqui Pineda.

“Right now, safe to say na may mga hakbang na ginagawa na kami para maayos ‘yung lugar, ‘yung reception. Hindi lang ‘yung kasal ang iniisip namin pero ‘yung what happens after, kung saan na kami titira.

“Masaya ‘yung feeling na oh makakasama mo, ‘yung ang sarap na kasama every single day habambuhay. Sobra akong in love,” ani Robi.

Magiging ninang at ninong daw niya sa kasal sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid, “Bago pa mangyari ang engagement ay naka-block off na. Feeling ko magiging okay na godparents sina Sir Ogie (Alcasid) at Ms. Regine. Super okay, super sure.”

Samantala, super happy din para kina Robi at Maiqui ang kaibigan nilang si Bianca Gonzalez na magkapatid na rin ang turingan sa isa’t isa.

“I think more than anything else ang pinaka-happy ako roon sa engagement is alam kong si Ms. Right ang napili talaga ni Robi. And I am so happy na the feeling is mutual, na nahanap niyo ang isa’t isa, kasi sobrang perfect nila sa isa’t isa,” sabi ng TV host.

Magkasama ngayon sina Robi at Bianca bilang mga host ng “The Voice Kids Philippines” na magsisimula na ngayong February 25 at 26 sa Kapamilya Network.

Tunay na relasyon nina Donny at Belle ibinuking ni Robi: Sila na yan! Sila na!

Robi Domingo ready na sa buhay-asawa, gagawing ninang si Regine Velasquez sa kasal

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Robi Domingo nai-imagine na ang sarili na meron nang pamilya after 5 years

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending