Tunay na relasyon nina Donny at Belle ibinuking ni Robi: Sila na yan! Sila na! | Bandera

Tunay na relasyon nina Donny at Belle ibinuking ni Robi: Sila na yan! Sila na!

Ervin Santiago |June 07,2022
facebook
share this

Tunay na relasyon nina Donny at Belle ibinuking ni Robi: Sila na yan! Sila na!

Ervin Santiago - June 07, 2022 - 03:03 PM

Donny Pangilinan at Belle Mariano ibinuking ni Robi Domingo

Donny Pangilinan at Belle Mariano

SUSPETSA ng mga fans nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, may bahid nga ng katotohanan ang panunukso ni Robi Domingo sa magka-loveteam nitong nagdaang Linggo.

Talagang inabangan ng milyun-milyong DonBelle fans ang birthday celebration ni Belle sa “ASAP Natin To” last Sunday at hindi nga sila nabigo dahil talaga namang nagpasabog ng kilig ang Kapamilya tandem sa programa.

As expected, naging bahagi nga ng bonggang selebrasyon ni Belle si Donny sa Sunday musical show ng ABS-CBN kaya naman nagpiyesta sa kaligayahan ang kanilang mga supporters all over the universe.

At mas ikinakilig pa nga ng DonBelle fans ang panunukso nina Robi Domingo at Luis Manzano sa dalawang bagets habang nagbibigay ng birthday message si Donny sa kanyang screen partner.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Belle Mariano 🧚 (@belle_mariano)


Unang hirit ni Robi sa dalaga, “Belle I will keep my promise, wala akong sasabihin ngayon.” Nasabi ito ng TV host matapos banggitin ni Belle na ang birthday wish niya ay “happiness” para sa lahat ng mahal niya sa buhay at sa mga taong nagmamahal sa kanya mula noon hanggang ngayon.

“But you’re happy right now?” biglang singit ni Robi.

“Yeah! Ha-hahaha!” tawang-tawa namang reaksyon ni Belle.

Mensahe naman ni Donny sa kanyang rumored girlfriend,  “Unang-una sobrang proud ako sa iyo, grabe. Na-witness ko ang buong journey mo, simula noong ‘He’s Into Her.'”

Bigla namang sumingit si Luis at nagsabing, “Kaya niyo na yan!” Na sinundan nga ni Robi ng, “ “Sila na yan! Sila na!”
Malakas na tawa lang ang isinagot sa kanila nina Donny at Belle.

Sa pagpapatuloy ng pagbibigay niya ng birthday message kay Belle, sinabi ni Donny na na super excited na siya sa iba pang achievements na maaabot ni Belle sa mga darating pang buwan at taon.

“And I’m so lucky that I get to be here by your side,” sey pa n Donny.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, viral na rin ngayon sa social media ang video kung saan  makikitang magkasamang sumakay sa isang van ang DonBelle. Dito, puring-puri ng fans ang consistent na pagiging gentleman ni Donny.

Robi umaming selosong dyowa: Parang napapraning ako!

Belle Mariano mas naging close pa ngayon kay Donny Pangilinan: I trust him so much, sobra talaga!

Pagtsugi kay Kim bilang host sa ‘It’s Showtime’, walang katotohanan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending