Robi Domingo nai-imagine na ang sarili na meron nang pamilya after 5 years Bandera

Robi Domingo nai-imagine na ang sarili na meron nang pamilya after 5 years

Ervin Santiago |September 12,2022
share this

Robi Domingo nai-imagine na ang sarili na meron nang pamilya after 5 years

Ervin Santiago - September 12, 2022 - 01:18 PM

Robi Domingo at Maiqui Pineda

SIGURADONG ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng Kapamilya TV host na si Robi Domingo ang pag-aasawa at pagkakaroon ng mga anak.

Apat na taon nang magkarelasyon ngayon sina Robi at Maiqui Pineda at mukhang sa kasalan na rin mauuwi ang kanilang pagmamahalan.

Sa latest YouTube vlog ng TV host, isa-isa niyang sinagot ang mga tanong ng kanyang fans and social media followers about his relationship.

Kinunan ang vlog sa fourth anniversary nina Robi at Maiqui noong August 6 sa isa sa mga favorite Japanese restaurant nila.

View this post on Instagram

A post shared by Robi Domingo (@iamrobidomingo)


Isa nga sa naitanong kay Robi ang, “Where do you see your relationship in five years?”

Diretso itong sinagot ng 32-year-old Kapamilya star sa harap ng kanyang girlfriend. Aniya, nakikita na niya ang future nila ni Maiqui with “bigger family”.

“I know what will happen, I’m just putting it in words. Still here, in this restaurant with a bigger family,” pahayag ni Robi.

Reading between the lines, talagang looking forward na siya sa next level ng relationship nila ni Maiqui at sa pagbuo ng sarili nilang pamilya, kabilang na ang pagkakaroon ng mga baby.

Nauna rito, nabanggit na ni Robi sa isang panayam na may plano naman talaga siyang magpakasal i-level up ang pagmamahalan nila ng kanyang girlfriend.

Sabi pa ni Robi, “For me, you have to be ready to love her not just today, but also tomorrow and forever. This also means loving her not just in terms of emotions. You have to be able to provide for her a beautiful home, enough food, and a good environment.

“The perfect kind of love for me is not just loving her now, but also looking forward to having a future with her. Once I am already capable of taking care of her, and once I’ve already safeguarded my parents’ future, then that’s when I can finally say I’m ready to bend the knee,” sabi ng binata.

Taong 2019 nang magsimula ang love story nina Robi at Maiqui pero aniya, 2017 pa lang ay binigyan na sila ng chance na mag-reconnect.

Robi, Maiqui naging magdyowa dahil kay Piolo: We owe him everything!

Robi umaming selosong dyowa: Parang napapraning ako!

Robi Domingo sinagot ang paratang na ginagamit niya si Maymay

Sino sa mga female star na nakatrabaho ni Robi ang pinagselosan nang bongga ni Maiqui Pineda?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending