Kira Balinger, Charlie Fleming ‘pinalayas’ na sa Bahay ni Kuya

PHOTO: Screengrab from YouTube
TANGGAL na sina Kira Balinger at Charlie Fleming sa TV reality show na “Pinoy Big Brother: Celebrity Edition Collab.”
Yes, mga Kapamilya at Kapuso, dalawang girls ang sabay na nagpaalam sa loob ng bahay noong April 13.
Sila ang nakakuha ng pinakamababang bilang ng boto kumpara kina Ralph de Leon at AZ Martinez, at River Joseph at Michael Sager.
At bago tuluyang mamaalam sina Kira at Charlie, may heartfelt message pa silang natanggap mula kay Kuya.
Baka Bet Mo: Melai Cantiveros muntik nang sumuko matapos ang 1st round ng PBB audition
“Charlie, sa murang edad, lumaban ka para maitaguyod mo ang iyong pamilya at ibinahagi ang iyong kwento. Taglay mong talento at pananampalataya para maging mabuting halimbawa sa mga nagkakamali at natututo,” sey ni Kuya.
Mensahe naman kay Kira, “Pinakilala mo ang isang taong puno ng pag-asa at handang ibahagi ang puso sa iba. At sa kabila ng hamon at pangungulila, kaagapay mo ang iyong bagong pamilya.”
Dahil sa matinding emosyon sa paglabas ng dalawa, halos atakihin ng anxiety si Kira, pero buti nalang ay agad siyang inalalayan ni Enchong Dee.
Hinawakan siya sa kamay at binigyan ng bottled water, habang si Charlie ay todo bantay sa kanya.
View this post on Instagram
Hindi nagtagal, nag-post si Kira sa Instagram ng Star Magic para linawin ang nangyari at humingi ng dispensa sa mga fans.
“I am sorry if I made you worry paglabas ko. I almost had a panic attack, but I’m super okay now,” wika niya.
Aniya pa, “Gustong gusto kong sabihin na maraming salamat sa inyo for all of the love and support you have shown me since day one up until this point na paglabas ko, I take all of that to heart.”
View this post on Instagram
Samantala, proud na proud ang Sparkle Artist Center kay Charlie!
May special congratulatory post pa ang GMA management para sa kanya: “Cheers to your wonderful journey inside the Pinoy Big Brother house, Charlie! Your Sparkle family is very proud of you.”
View this post on Instagram
Kasama na ngayon nina Kira at Charlie sina AC Bonifacio at Ashley Ortega sa hanay ng mga evictees ng “PBB: Celebrity Edition Collab.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.