Sanya, Kim Ji Soo nagpakilig sa Bahay ni Kuya; Ashley excited makita ang ina

Ashley Ortega, Kim Ji Soo at Sanya Lopez
NAGPASABOG ng extra good vibes at kilig ang pagpasok nina Kapuso actress Sanya Lopez at Korean Oppa Kim Ji Soo bilang mga house guest sa Bahay ni Kuya.
Isang mainit na dating game ang inihanda para kay Sanya kung saan napili niya si Ralph De Leon para sa isang simple merienda date.
Samantala, masayang performance naman ang inihanda ng girl housemates sa pag-welcome kay Ji Soo na sinundan pa ng iba’t ibang Korean acting challenge at games.
View this post on Instagram
Matapos ang mga kasiyahan ay haharap nang muli ang mga housemates sa ikalawang eviction night kung saan isang Duo na naman ang lalabas ng bahay.
Sino nga kaya kina AZ at Ralph, Charlie at Kira, at Michael at River ang lalabas ngayong Sabado? Abangan ang iba’t ibang kaganapan sa “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition” gabi-gabi sa GMA Network.
* * *
Matapos ang kanyang paglabas sa Bahay ni Kuya, isa sa nga sumalubong sa Sparkle artist at ex-housemate na si Ashley Ortega ang award na Media Excellence in Television Acting.
Ito’y para sa natatangi niyang pagganap bilang Sister Manuela sa Kapuso historical series na “Pulang Araw” mula sa 3rd Laurus Nobilis Media Excellence Awards ng Lyceum of the Philippines University (LPU) Cavite.
Agad din siyang sumabak sa panibagong project dahil mapapanood na rin siya “Lolong: Pangil ng Maynila” na pinagbibidahan ng Kapuso Action Hero na si Ruru Madrid.
Samantala, naibahagi naman ni Ashley sa isang interview na isa sa mga pinakatumatak sa kanya sa loob ng bahay ay nang makuha ang letter mula sa kanyang ina.
Sey ni Ashley, “Receiving that letter naramdaman ko yung love ng mom ko sa akin, it brought me to the days where she was taking care of me.”
Excited na nga raw siyang makita at makasamang muli ang kanyang ina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.