AC Bonifacio pasok na rin sa ‘Lolong’; tambalang AcLey tuloy ang laban!

Ashley Ortega, Ruru Madrid at AC Bonifacio
HINDI pa rin talaga nagpapatalbog ang tambalang ACLey ng “PBB Celebrity Collab Edition” kahit na napalayas na sila sa Bahay ni Kuya.
Ngayong napapanood na si Ashley Ortega sa GMA hit action series na “Lolong: Pangil ng Maynila” ni Ruru Madrid ay inanunsyo na rin ang pagpasok sa show ng Kapamilya star na si AC Bonifacio.
Sa video na ipinost ng GMA Network, makikita si AC na nagme-makeup habang nasa set ng naturang action-drama serye.
Sa caption, nakasaad na “Ang Dedicated Showstopper ng Canada” ay “naghahanda nang sumabak sa Lolong.”
Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang excitement sa pagsasama muli sa telebisyon ng na-evict na “PBB” duo sa “Lolong.” Narito ang ilan sa reaksyon ng mga Kapuso at Kapamilya viewers.
View this post on Instagram
“Wow ACLey in a series together.”
“More projects to come for my baby gurl pls! super deserve.”
“Nice DECISION GMA and ABS-CBN. Sobrang bitin kami sa AcLey kaya nakaka happy na mapapanood namin uli sila sa Lolong.”
Siguradong excited na ang maraming Kapuso at Kapamilya na makilala ang karakter ni AC si “Lolong: Pangil ng Maynila” na napapanood weeknights pagkatapos ng “24 Oras” sa GMA Prime.
* * *
Dahil sa tinamong tagumpay, extended hanggang May 3 ang hit Filipino musical na “Liwanag Sa Dilim,” tampok ang mga awitin ni Rico Blanco, sa RCBC Plaza, Makati City.
Patuloy na mapapanood dito ang Sparkle artists na sina Anthony Rosaldo, Rita Daniela, Khalil Ramos, at Brianna Bunagan.
Kasama rin sa cast sina Arnel Carrion, Boo Gabunada, Jon Abella, Raul Montesa, Rica Laguardia, Lani Ligot, Jasper Jimenez, Mark Tayag, Derrick Gozos, Chez Cuenca, Paji Arceo, Iya Villanueva, Lucylle Tan, at Denzel Chang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.