Love story nina Klarisse de Guzman at Trina Rey nagsimula sa socmed

Klarisse de Guzman at Trina Rey kasama ang ina ng singer
PROUD na proud ang girlfriend ni Klarisse De Guzman na si Christina “Trina” Rey matapos nga nitong ibandera sa buong universe ang pagiging bisexual.
In fairness, marami ang bumilib sa tapang ng Kapamilya singer nang ilantad niya ang tunay na pagkatao sa isang episode ng “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition” at aminin on national TV na four years na silang magdyowa ni Trina.
Sa panayam ng ABS-CBN kay Trina, ipinagsigawan nito ang ang paghanga kay Klarisse at sa pagbanggit nito sa kanyang pangalan.
“Super proud nu’ng last night nung napanood ko. I can’t help, naiyak po talaga ako. Finally freedom naibigay na kay Klang po after how many years,” pahayag ni Trina sa naturang interview.
Hindi raw planado ang pag-amin ni Klarisse, “But we talked about it po bago siya umalis pero hindi po clear kung mag-a-out siya totally. Kasi for me naman po okay na po ako na tago kami kasi okay naman na po sa family namin kasi sila naman po ‘yung number one na magsu-support sa amin eh.”
Ayon pa kay Trina, hindi raw talaga alam ng mga kasamahan ni Klarisse sa ABS-CBN o sa “ASAP” ang kanyang pagiging bisexual. Ilan lang sa nakakakilala sa tunay nitong pagkatao ay ang mga kaibigan at kapwa singer na sina Bugoy Drilon at Liezel Garcia.
“Siguro hirap na rin po siya at hirap na ring magtago. Kasi binabanggit niya sa akin na ‘pag tinatanong siya hindi na niya alam kung ano ang isasagot. Dinadaan na lang niya sa jokes,” sey ni Trina.
View this post on Instagram
Naramdaman na raw niya na aamin si Klarisse nang pumasok ang actress-beauty queen na si Michelle Dee sa “PBB” bilang house guest.
“Nu’ng time na pumasok si Michelle Dee, I knew it already. Kasi I saw Michelle joined Miss Universe, so I know advocate siya ng LGBT din before.”
Kuwento pa Trina, nagsimula ang love story nila ni Klarisse sa Instagram sa pamamagitan ng DM o direct message noong 2020, “Nag-meet kami after a few months, kasi mahigpit po noon (pandemic lockdown).”
Makalipas ang ilang buwan, naging official couple na sila. Pero hindi rin daw naging madali sa simula ang kanilang relasyon.
“I can say na-test rin po talaga kung paano kami as a partner. Kasi it wasn’t easy. We go out normal, we don’t do super close sa labas. I’m happy kasi more on growth na yung gusto namin. Plans, business things,” sey ni Trina.
Wala rin daw isyu sa kanya kung kinailangan muna nilang imago ang kanilang relasyon, “Iba po kasi yung family, parang mas buo yung pagkatao ko rin nung naging malaya si Klang.
“Iba po ‘yung feeling. Kasi kung hindi ka tanggap ng ibang tao, pero ‘yung mga tao sa paligid mo tanggap ka, hindi ka matatakot. Hindi ka matatakot na mag-express ng totoo mong nararamdaman,” sabi pa ni Trina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.