Michelle Dee bumilib sa pag-amin ni Klarisse as bisexual: Kinilig ako for her!
INSPIRASYON ang hatid ni Kapuso actress at beauty queen Michelle Dee sa mga celebrity housemate sa pagiging house guest sa Bahay ni Kuya.
Isa sa mga naging highlight ng kanyang pagpasok sa “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition” ang pagsisimula ng task na konektado sa pagpapakatotoo ng housemates.
Dito ay nagkaroon ng pagkakataon si Klarisse de Guzman na ilantad sa madlang pipol na siya ay bahagi ng LGBTQIA+ community. Aniya, “Di na ako takot, wala na akong kinatatakutan. Ang saya lang po sa pakiramdam magpakatotoo.”
Naibahagi naman ni Michelle kay Kuya kung gaano siya ka-proud sa ginawang pag-o-open up ni Klarisse on national television.
Baka Bet Mo: Klarisse de Guzman naiyak dahil sa kalagayan ng mga magulang: ‘Natatakot akong maiwan mag-isa’
Sey ni Miss Universe Philippines 2023, “Besides sa kinilig ako for her, I feel so proud that I’m able to stand as an inspiration and strength to disclose something as big as that
“Napagdaanan ko rin po ‘yun, ang hirap din magpakatotoo ng ganu’n dahil sa industriya kung nasaan tayo,” aniya pa.
Sa pagpapatuloy ng mga kaganapan sa “PBB”, pumasok na rin ang dalawa pang bagong housemates na sina Emilio Daez at Vince Maristela.
Ano kaya ang kuwento ng kanilang buhay at paano sila makikisama sa loob ng Bahay ni Kuya?
Abangan naman ngayong weekend ang mga susunod na nominado para sa linggong ito. Tutok na gabi-gabi sa “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition”, 10 p.m. (Monday-Friday) at 6:15 p.m. (Saturday-Sunday) sa GMA Prime.
Samantala, nabanggit nga ni Klarisse sa pakikipag-usap niya kay Big Brother ang nag-motivate sa kanya sa biglaang pag-amin sa housemates ng tunay niyang pagkatao.
Sey ng biriterang singer, nagkaroon siya ng lakas ng loob nang makasama nila si Michelle na isa ring proud member ng LGBTQ community.
“Ang tagal ko na pong iniisip kung kailan po ang tamang panahon para ikuwento ko po rito sa bahay. And, actually, nung nakita ko po si Michelle Dee, parang naisip ko this is a sign.
“Until nu’ng nalaman ko ‘yung task, buo na po sa dibdib ko na, I think ito na, this is it at ayun na, nagawa ko. I’m so proud and I’m so happy of myself that I’m finally out,” aniya pa.
Ang bagong ka-duo ngayon ni Klarisse ay ang former Unbreak My Heart actor at Sparkle star na kilala ngayon bilang Mama’s Dreambae ng Cavite na si Will Ashley.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.