Klarisse sa pag-aming bisexual: Wala na 'kong kinatatakutan

Klarisse de Guzman sa pag-aming bisexual: Wala na ‘kong kinatatakutan

Ervin Santiago - April 07, 2025 - 12:05 AM

Klarisse de Guzman sa pag-aming bisexual: Wala na 'kong kinakatakutan

Klarisse de Guzman

NATAKOT si Klarisse de Guzman na mag-come out sa publiko bilang bisexual dahil feeling niya ay maba-bash siya at madya-judge nang bonggang-bongga.

Pero finally nga ay naipagsigawan na niya sa buong mundo na isa siyang member ng LGBTQIA+ community sa nakaraang episode ng “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition“.

“Ang tagal kong pinag-isipan kung sasali ako ng ‘PBB’ kasi hindi ko alam kung kaya kong i-expose ang buhay ko. Actually nu’ng una nag-no ako, parang kaya ko ba?

“Kaya kong bang i-open ‘yung sarili ko sa public. Eh, obviously nandito ako, so, kaya ko?” sabi ng Kapamilya singer. “Tingin ko ito na ‘yung time na sabihin sa inyo and to tell the world that I’m not straight.”

Kasabay ng pag-amin ni Klarisse na isa siyang bisexual ang rebelasyon niya na meron siyang girlfriend at apat na taon na ang kanilang relasyon.

“I’m am bi. ‘Yung kinukuwento ko sa inyo na may four years akong partner. Yes, I have a partner of four years (and) her name is Trina. Hindi ko in-expect na masasabi ko ito ngayon.

“Ang lakas ng loob ko para sabihin and hindi alam ng parents ko, bago mawala Papa ko, alam ng Mama ko, and kasama ngayon ng Mama ko is her,” sabi pa niya.

Pagpapatuloy pa ng celebrity housemate, “I guess komportable ako sabihin sa inyong lahat with Michelle Dee pa. Hindi ko mahintay na ma-meet n’yo siya and I miss her. Sobrang suwerte ko lang talaga kasi tanggap ako ng parents ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Hindi ako nahirapan sa phase na ‘yun. Even some of my relatives alam pero hindi ko pa nga nasasabi sa work ko, so I am proud, love wins,” dagdag pa niya.

Kasunod nito, inamin din niyang inatake siya ng matinding takot na mag-come out noon, “Natatakot po akong ma-judge, natatakot po ako na baka hindi ako maintindihan ng ibang tao.

“Natatakot po ako na baka magbago ang tingin sa akin ng mga sumusuporta sa akin. Natatakot po ako na baka maapektuhan po ‘yung career ko.

“Four years po ‘yun, ilang years na tinago ko and parents ko po alam naman na po kumbaga public people or mga kasama ko sa work, sa industry ang ‘di na lang siguro nakakaalam and I think this is the best time po, Kuya,” lahad pa ni Klarisse.

Pagbabahagi pa niya sa kanyang feelings after umamin in public, “Napakasarap po sa pakiramdam na ito po pala ‘yung pakiramdamn ng pagiging malaya kumbaga free, wala na po akong ibang iniisip po ngayon kundi finally nasabi ko na, naging bukas na po ako sa ibang tao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Para sa akin po, ito po ‘yung isang bagay na dapat sine-celebrate. Ayoko pong maging emosyonal kasi sobrang saya po ng nararamdaman ko. Alam n’yo po ‘yung ang tagal-tagal nang nakakimkim dito sa dibdib n’yo and now ito nasabi ko na ‘yung totoo.

“Hindi na ako takot, wala na akong kinakatakutan, ready na ako kung anuman ang itatanong nila, kumbaga wala nang walls, sana tanggap pa rin ako ng mga tao ‘yun lang naman ang prayers ko and ang saya lang po sa pakiramdam na magpakatotoo,” pahayag pa ni Klarisse de Guzman.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending