Maymay Entrata 1 year old pa lang nang iwan ng ama, may kinikimkim na galit?

Maymay Entrata
ISANG taon pa lamang ang Kapamilya actress-singer na si Maymay Entrata nang umalis at iwan daw sila ng kanyang ama.
Kuwento ng dalaga nang makachikahan ng BANDERA kasama ang ilan pang miyembro ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), wala siyang idea kung nasaan na ang kanyang tatay.
Mula raw noong sanggol pa siya ay hindi na niya nakita ang ama kaya kahit isang memory ay wala siyang maalala tungkol sa tunay niyang tatay.
Ngunit nilinaw naman ng aktres at singer na wala siyang galit at sama ng loob sa father niya pero hindi rin daw niya binalak na hanapin ito para makilala at makasama.
“Kung nasaan man siya ngayon, sana ay nasa mabuting kalagayan siya. Wala naman akong hatred, wala akong mabigat na nararamdaman sa kanya.
“Kasi lumaki naman akong may tatay, ‘yung lolo ko. Kaya kung gusto niyang makita ako, ok ako. kung hindi rerespetuhin ko ‘yun,” pahayag ni Maymay pagkatapos ng naganap na Star Magic Spotlight presscon recently.
Sa tanong nga kung nag-effort ba siyang hanapin ang tatay niya, “Hindi rin po, kung hahanapin ko siya without his permission, baka he will feel disrespect. Siya naman ang umalis.”
Sabi pa ni Maymay, wala rin daw siyang balita kung nasaan na ngayon at kung ano na ang buhay ng kanyang tatay.
Samantala, kasama nga si Maymay sa third Star Magic Spotlight presscon ngayong taon (for April) kung saan pinag-usapan ang kaniyang personal life at journey sa industriya.
View this post on Instagram
Naikwento ni Maymay ang dahilan kung bakit on and off ang kanyang appearances sa showbiz
nitong mga nagdaang taon.
Emosyonal niyang ibinahagi na sabay na may hinaharap na medical condition ang kanyang nanay at lola. Ibinahagi ni Maymay na dalawang taon nang nakikipaglaban sa cancer ang ina.
“Nandito ako sa point na hangga’t may oras ako na makapiling ko yung dalawang nanay ko, gagawin ko, palipad-lipad man ako sa Cagayan de Oro o Japan, paulit-ulit gagawin
ko po. Sobrang mahal na mahal ko po sila,” aniya pa.
Mula sa pagiging Big Winner ng Pinoy Big Brother (PBB) hanggang sa pagiging aktres at singe3, naging susi sa tagumpay ni Maymay ang kanyang unique na charisma at ang kaniyang pagiging totoo.
Sa pagbabalik-tanaw niya sa kanyang karanasan sa loob ng Bahay ni Kuya, ibinahagi niya ang kanyang opinyon tungkol sa kasalukuyang “PBB Collab Edition.”
“Sino ba naman po tayo para
hindi bigyan ng chance yung mga taong nagkakasala, eh tayo, hindi rin tayo perpekto.
“Sa madaling salita, sana instead of pulling people down, why not just help each other up to be
better?” ani Maymay.
Bukod sa akting at hosting, pinasok rin ni Maymay ang larangan ng musika. Nakatanggap ng magagandang reviews ang kanyang debut single na “Toinks” hanggang mas lalo pang nakilala
si Maymay bilang si Amakabogera herself na kaparehong titulo ng kanyang hit song.
Isa marahil sa highlight ng karera ni Maymay, napili siyang kumanta ng Filipino version ng iconic na “Snow White” theme song na “Nasaan ang Hiling?”
“Una, nu’ng sinabi sa ’kin, talagang hindi ako makapaniwala. Hindi nagsi-sink in sa ’kin. Tapos pangalawa, sabi ko, ‘Magiging princess ako?!’
“And knowing Disney, alam natin lahat ‘yan—lahat
ng mga Disney princesses, very timeless ‘yung story nila. And for me to be a part of it, talagang dream come true talaga sa ’kin,” sabi pa ni Maymay.
Isa ang kanyang upcopming Netflix mini-series na “Happy Crush” sa direksyon ni Carlo Catu at ang bagong album na pinamagatang “Reborn” ang aabangan sa kanya.
Kabilang dito ang pinakabagong single na “Paradise”, pati na ang isang kantang isinulat niya habang nasa music
camp. Ang album, na isang kolaborasyon kasama ang mga songwriter mula sa US ay simula
ng kanyang mga plano na palawakin ang kanyang music career sa international scene.
“Yung Reborn hindi lang siya title, parang ‘remember me’ ba doon sa darkest moments na pinagdaanan ko, na kaya ko pa rin pala bumangon despite all of that, kaya ko pa rin pala mabuo ulit yung sarili ko,” dagdag pa ni Maymay.
Patuloy ang journey ni Maymay bilang artist, at sa kanyang talento, puso, at determinasyon, pinapatunayan niyang marami pa siyang kayang ipakita sa mga manonood.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.