John Lloyd sa nakuhang Best Supporting Actor nomination sa 15th Int’l Cinephile Society: Wasak!
SA kabila ng pagkawala pansamantala ni John Lloyd Cruz sa mundo ng showbiz, tuloy pa rin ang suporta ng kanyang mga loyal fans na patuloy na umaasang isang araw ay muli siyang mapapanood sa telebisyon at pelikula.
Tuwang-tuwa rin ang mga tagasuporta ni Lloydie sa pagiging nominado niya bilang Best Supporting Actor sa 15th International Cinephile Society para sa natatangi niyang pagganap sa obra ni Lav Diaz na “Ang Babaeng Humayo”.
The film is also nominated for Best Adapted Screenplay and Best Film (not in the English language) in the same award-giving body.
Makakalaban ni Lloydie rito ang American actors na sina Willem Dafoe (napanood sa Spiderman), Armie Hammer (nakilala sa The Long Ranger), Michael Stuhlbarg (napanood sa TV series Boardwalk Empire), Dunkirk Irish actor Barry Keoghan at French actor Arnaud Valois.
Nag-react naman si Lloydie sa good nes na ito sa pamamagitan ng Instagram. Ipinost niya ang official list ng nominees na may caption na: “Wasak. ICS Awards never in my wildest dreams When i read Daniel Day-Lewis written in his category (Best Actor) sabi ko uy panalo na ko!”
Kung matatandaan, nanalo ang pelikulang “Ang Babaeng Humayo” na pinagbibidahan din ni Charo Santos, ng top prize sa 73rd Venice International Film Festival noong 2016.
Nauna nang nanalo si John Lloyd bilang Best Supporting Actor sa 1st Eddys Awards ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) last year para sa nasabi ring pelikula kung saan gumanap siyang transvestite.
Ang mga winners para sa 15th ICS Awards ay ibabandera na sa Feb. 4.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.