Kylie labag sa loob ang pagpapakasal noon kay Aljur: ‘To make everyone else happy’

Kylie Padilla, Aljur Abrenica
MULING naungkat ang isyu ng failed marriage ng dating mag-asawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica.
Napag-usapan kasi ito sa latest episode ng online talkshow ni BB Gandanghari na “BB.talk” na mapapanood sa YouTube.
“I wasn’t ready to get married kasi I didn’t really believe in marriage. But to make everyone else happy, we got married,” diretsong pahayag ni Kylie.
Ayon pa sa aktres, ayos lang sa kanya noon na hindi ikasal kahit may mga anak na sila ni Aljur.
Baka Bet Mo: Hirit ni AJ kapag nag-cheat si Aljur: ‘Sisisihin ko sarili ko…’
“Alam ko naman kasi, very deep ang understanding ko na ibang commitment na talaga ‘yung marriage,” sambit niya.
Patuloy ni Kylie, “You really have to go through everything together, even in worse –in sickness and in health ‘di ba?”
“When I was with him I didn’t feel that part,” pag-amin niya.
Nang usisain siya ni BB kung kailan niya naramdaman na nalalabuan na siya sa kanyang married life, ang sagot diyan ng single mom: “Pandemic na…I was married three years lang.”
Chika pa ng aktres, “‘Yun nga ang sabi nila ‘di ba, when pandemic comes, talagang [maghaharap] kayo sa isa’t-isa kasi ‘yun na ‘yung break –ayun na nga na-assess na kami and we failed.”
Aminado rin si Kylie na nitong Enero lang niya napatawad ang sarili niya habang nasa Taiwan at namamasyal kasama si BB Gandanghari.
“[Forgiveness] really starts with you talaga, even if you say I forgive this person, kapag galit ka pa rin sa sarili mo then galit ka [pa rin sa taong ‘yun],” aniya pa.
Kung matatandaan noong July 2021, kinumpirma ng ama ni Kylie na si Senador Robin Padilla na hiwalay na ang kanyang anak kay Aljur matapos ang dalawang taong kasal.
Ngunit bago ang mga pag-amin ay nauna nang mag-viral ang ilang litrato ni Aljur kasama ang aktres na si AJ Raval na siya ring umamin na nililigawan siya ni Aljur at nasa getting to know stage pa lamang a that time.
Hanggang ngayon, masaya sa kanilang relasyon sina Aljur at AJ.
Si Kylie naman ay nababalitang hiwalay na sa kanyang non-showbiz boyfriend.
Nitong nagdaang January kasi ay may kumalat na chika na single na uli ang celebrity mom matapos mag-post ng mahabang pahayag sa social media na may konek sa pakikipagrelasyon.
Ngunit nitong Valentine’s Day, mukhang happy naman ang aktres sa kanyang buhay-pag-ibig.
Sa katunayan nga ay natanong si Kylie sa isang panayam kung kamusta ang personal life niya, partikular na ang lagay ngayon ng kanyang puso, “Yes, masaya rin. Nag-Valentine’s ako sa Japan. Very, very grateful ang puso ko ngayon.”
Hanggang ngayon, hindi pa niri-reveal ni Kylie ang identity ng kanyang dyowa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.