Mister sinisingil ni misis sa paglalaba: Parang mukha siyang pera

Mister shookt nang maningil si misis sa paglalaba: Mukha siyang pera

Ervin Santiago - February 06, 2025 - 12:15 AM

Mister shookt nang maningil si misis sa paglalaba: Mukha siyang pera

Stock Photo

PROBLEMADO ngayon ang isang contractor sa kanyang married life dahil mukhang sa hiwalayan din daw mauuwi ang pagsasama nilang mag-asawa.

Knows n’yo ba kung ano ang dahilan? Feeling kasi ni mister, mukhang pera na si misis dahil gusto nitong magpabayad sa paglalaba ng kanilang mga damit.

Para sa lalaki, parang hindi naman daw tama na bayaran niya si wifey sa paglo-laundry nito dahil mag-asawa naman sila at siya naman daw ang gunagastos sa lahat ng kanilang pangangailangan.

“I’m a contractor, married guy, 2 years palang pero we’ve been living for 4 years, ako lahat ng prprovide sa bills, pagkain etc, madalas din sa mga expences ni misis ako narin ako naman nag initiate, nag struggle ang business pero ngayon palang nakakabawi,” ang simulang kuwento ni anonymous sender sa Facebook page na Peso Sense.

Baka Bet Mo: Darryl Yap: Itong mga Kakampink na ito, nangarap na naman na makaka-points sa akin

Pagpapatuloy niya, “Si misis ayaw ko syang magtrabaho so katulong ko sya sa business accounting side sya,sahod nya 9k per week pero di nman nakakapagod ung side nya,kahit may sahod sya di ko pinapagastos sa bahay.

“Ngayon eto na nga, ung tita ko kasi ang labandera namin kaso madaming nawawala,nasisira, request nya sana iba nlng maglaundry actually matagal na nyang request kaso dahil busy sa construction di ko nabigyang pansin,

“Sabi nya sya nlng daw maglalaba tapos ung binabayad daw sa labandera sa kanya nlng mapunta which is parang hindi ata tama at parang masakit para sakin kasi asawa ko sisingilin ako sa labada tho nagluluto at naglilinis nman sya araw2 never naman ako pinabayaan,” lahad ng nagrereklamong mister.

Naging mitsa raw ito ng kanilang pag-aaway, “Ang sabi ko hindi tama kasi sinasahuran ko nman sya sa construction, ang sabi ko pa sorry for my word pero parang mukha syang pera, nasa point tuloy kame na nagkalkalan na at nasa verge na maghihiwalay nakame,

“Ang sabi ko sa knya hingi sya ng advice sa mga kapatid nya if tama ba ang gngwa nya dahil self centered sya at hindi marunong makinig puro sarili lang nya pinapakinggan nya,” ang huling bahagi ng sulat ng contractor.

Sandamakmak na comments mula sa netizen ang natanggap ng open letter ni mister at iba’t iba ang kanilang pananaw sa sitwasyon.

“Hindi ata asawa ang turing sayo sender kundi business partner. First thing, mag asawa kayo at obligasyon ng couple to support each other including the management of the households. Kung ang negosyo niyo ay construction at yan ang bread and butter ninyo, bakit kelangan pang may fixed 9k weekly sahod. Bakit employee ang turing mo sa kanya or bkit niya pinili na at tinanggap na sahuran mo siya. You should work as a team and is supposed to be a shared responsibility.”

“Ang paglalaba ay Part po yan as a wife kung ikaw ang nasa bahay full time kung nagwowork si Mister responsible. hindi mo naman kailangan singilin. Kusa yan ibibigay sayo ng buo ang sahod nya. hindi naman ikaw nangatulong para singilin sya sa paglalaba mo. Depende din kung parehas naman kayo nagwowork eh di kayong dalawa ang maglaba.”

“Jusko marimar! para di kayo mag aaway at Dika ma stress bayaran mo ikaw mag adjust. gumawa kayo kasulatan na xa may gusto. sa panahon Ngayon LAHAT pinapasok na para magka Pera,for sure walang masisira na gamit. ilaban mopa sender ang samahan nyo,Baka sa labada masisira buhay nyo.”

“Bili nalang kayo laundry machine na may dryer para pasok the labada sa washer, lipat sa dryer, less hassle. or if di pa afford, magpa laundry nalang sa labas. ganun din naman siguro ang gastos. para di na kayo ma stress mag asawa.”

“Ikaw na maglaba, mister…bili ka nang washing machine at dryer then mag set kanang schedules how many times in a week kang maglalaba …or else tulungan mo nalang siya s paglalaba para alam mo rin na mahirap maglaba dong, time consuming po yan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nkkpagod po tlga maglaba. pero less pagod kung nka AWM kayo. Anyway swerte pa din c misis kc may sahod .. ako nga wla.. pero msya pa ding nglilingkod s pamilya. Whatever you do, do it as for the Lord. wag kc maging sentro ang pera let God be the center s lahat ng bagay.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending