Priscilla Meirelles nagsisi nga ba na maagang nag-asawa, nagkapamilya?
KUNG may babaguhin sa kanyang buhay ang aktres at dating beauty queen na si Priscilla Meirelles, ito raw ‘yung pag-aasawa niya ng maaga.
Ang pag-aamin na ito ay binanggit mismo ni Priscilla sa naging YouTube interview niya kasama si Luis Manzano kamakailan lang.
Ayon kay Miss Earth 2004 titleholder, maraming nagbago sa kanyang buhay ng magkaroon siya ng sariling pamilya, pero nilinaw na hindi niya ito pinagsisisihan.
“I had plans para sa buhay ko, time frame [kumbaga]. I think, nowadays, the time frame changed so much,” sey niya.
“If there’s one thing that I would change — but I do not regret — but if I could change it, I shouldn’t have gotten married so early,” paliwanag ni Priscilla nang tanungin ni Luis kung may pinagsisisihan ito sa kanyang buhay.
Baka Bet Mo: Priscilla Meirelles tuloy ang pa-cryptic post, Janice de Belen nadamay?
Sinabi rin ng dating beauty queen na nagkaroon ng limitasyon ang kanyang buhay mula nang siya’y ikinasal.
“Your focus is on your family and kids. I did focus on my family and my daughter. I was a full-time mom,” sambit niya.
Gayunpaman, umaasa si Priscilla na matutuloy din niya ang pagtupad ng dati niyang mga pangarap sa tamang panahon.
“I didn’t regret [it], I have a wonderful family and a wonderful kid but I deprived myself of a lot of dreams that I had. I prayed that this time around, I can somehow resume them or achieve some of them,” lahad ng Brazilian model-actress.
Nasa edad 27 nang magpakasal si Priscilla sa aktor na si John Estrada na ginanap sa La Union noon pang 2011.
Makalipas naman ang isang taon, sila ay biniyayaan ng magandang anak na si Anechka.
Magugunitang naging sentro ng kontrobersya ang mag-asawa matapos kumalat ang chikang tuluyan na silang naghiwalay.
Ito rin ang itinuturong dahilan kung bakit umuwi na ng Brazil ang actress-beauty queen.
Noong Hulyo, nag-post si John sa social media upang ibunyag na pansamantalang nag-break sila ni Priscilla, ngunit ito ay mariing itinanggi ng huli.
“Priscilla and I have mutually agreed to take a break for quite some time now. There’s more to the story but the last thing I want to do is to hurt the people I love,” sey sa IG post ni John noong Hulyo.
Aniya pa, “This is a private family matter, that’s why I ask for privacy as we deal with this. Thank you.”
Recently lamang ay muling nabuhay ang isyu ng dalawa matapos magsama sa F1 Grand Prix junket sa Singapore, pero nilinaw ni Priscilla na ito ay isang working event.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.