Priscilla masaya pa rin kay John, per umaming nasagad na!

Priscilla masaya pa rin sa piling ni John, pero umaming nasagad na!

Ervin Santiago |May 15,2024
facebook
share this

Priscilla masaya pa rin sa piling ni John, pero umaming nasagad na!

Ervin Santiago - May 15, 2024 - 09:05 AM

Priscilla masaya pa rin sa piling ni John, pero inaming nasagad na!

Priscilla Meirelles at John Estrada

KAPAG may ginawa pang kasalanan si John Estrada, posibleng ito na ang ending ng pagsasama nila ni Priscilla Meirelles bilang mag-asawa.

Kinumpirma ng aktres at dating beauty queen na nagsasama pa rin sila ni John sa iisang bahay bilang married couple at masama naman daw sila ngayon pagkatapos dumaan sa mga pagsubok.

Nagbahagi si Priscilla ng ilang detalye tungkol sa relasyon nila ni John sa guesting niya sa Monday episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” na sinubok ng tadhana noong 2023.

Baka Bet Mo: ‘Your one and only wife’ message ni Priscilla kay John inokray, basher hinamon: ‘In case may iba na hindi ko alam, please pa-DM sa akin’

Kumalat ang balita na nagkaroon ng matinding isyu sa pagsasama nilang nang dahil sa third party, base na rin sa cryptic post ni Priscilla sa kanyang Instagram account.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Tinanong niya kasi ang kanyang mga IG followers ng, “What to call a female that entertains married man?” At dito na nga nagsimula ang chika na mukhang may ibang babae umano si John.

Sabi ng Brazilian beauty queen kay Tito Boy, “Ang dami kong natutunan sa sarili ko. I’m very easy-going pero lahat ng tao may limit. Dumating ako sa limit ko.”

“Ang pinakaimportanteng bagay sa buhay natin is peace of mind. Bilang isang babae, kailangan ko maging masaya,” pahayag ng aktres.

Sundot na tanong sa kanya kung hanggang saan niya kayang ipaglaban ang kanyang asawa, “Hanggang feeling ko worth it.

“Sa buong experience ko sa pagiging asawa, ginagawa ko lahat, forgive but not forget. I’m not getting any younger, kung hindi ko kaya sasabihin ko na lang,” sabi niya.

Baka Bet Mo: Priscilla Meirelles tuloy ang pa-cryptic post, Janice de Belen nadamay?

Kasunod nito, nilinaw nga ni Priscilla na masaya pa rin naman daw siya sa piling ni John, “We’re still married, we were just laughing together yesterday.

“Pero alam niya, nasa limit na ako. Whatever happens from this point on, it’s on him. I’ve done my part,” sabi ni Priscilla.

Meaning, once na sumablay pa uli ang premyadong aktor at makagawa ng ikagagalit ng asawa, baka sa hiwalayan na mauwi ang kanilang relasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Priscilla Meirelles (@primeirelles)


May sinabi naman daw si John sa kanya na siyang pinanghahawakan niya para huwag bumitiw. “I’m with you, I’m here for the long haul, I’ll do my best,” ang pangako raw ng aktor sa kanya.

Nagbigay din si Priscilla ng advice sa lahat ng may problema sa pakikipagrelasyon, “Kailangan mo sabihin ‘yung nararamdaman mo. Huwag mo na itago. You need to let it out. Sometimes, bilang isang babae, we try to cover up.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“If hindi mo i-voice out ýung ayaw mo sa isang situation, hindi maaayos ang situation,” sabi pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending