Priscilla Meirelles nagka-'endometriosis', tinanggal ang cyst

Priscilla Meirelles nagkasakit ng ‘endometriosis’, tinanggal ang cyst

Ervin Santiago - March 02, 2025 - 12:45 AM

Priscilla Meirelles nagkasakit ng 'endometriosis', tinanggalan ng cyst

Priscilla Meirelles at John Estrada

“KAILANGAN ko talagang bumalik sa dating ako!” Iyan ang nabanggit ng aktres at beauty queen na si Priscilla Meirelles patungkol sa pinagdaanang weight loss journey.

Ni-reveal ni Priscilla sa publiko ang pinagdaanang health issue kamakailan — na-diagnose siya ng “endometriosis.”

Base sa isang health website, nangyayari ang endometriosis kapag ang tissue “similar to the inner lining of the uterus grows outside the uterus.”

Sa kundisyong ito, kumakapal ang tissue at dumudugo na magdudulot ng sakit tuwing may regla. Dito na mabubuo ang mga cyst na tinatawag na endometriomas kapag naapektuhan na ang obaryo.

Ilan sa mga sintomas ng karamdamang ito ay ang nararamdamang sakit tuwing nireregla, habang o pagkatapos ng pakikipagtalik, sakit sa pagdumi o pag-ihi, labis na pagdurugo.

Pagbabahagi ng aktres, “One of the realizations that came to me was that kailangan ko talaga na bumalik sa dating ako, ang Priscilla.

Baka Bet Mo: Badjao Girl Rita Gaviola inaming may cyst sa dibdib, Karen Davila sasagutin ang pagpapa-check up

“Kasi through the process ang daming nangyari including a health condition that I had that was endometriosis,” ang sabi pa niya sa “Fast Talk with Boy Abunda”.

Dahil dito, sumailalim sa operasyon si Priscilla para tanggalin ang cyst sa kanyang abdominal area.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Priscilla Meirelles (@primeirelles)


Kasunod nito, talagang kinarir ni Priscilla ang pagbabantay at pagkontrol sa kanyang mga kinakain tulad ng mga food na nagdudulot ng inflammation at mga nagpapagulo sa kanyang hormones.

“I decided that (tatanggalin) ko lahat ng mga pagkain na hindi maganda sa katawan ko,” sabi ni Priscilla na inalis na rin ang processed sugar sa kanyang diet.

Super iwas na rin siya sa mga lafang na may dairy, “When I had my problem, the cyst, dairy and sugar they trigger the issue so I’ve decided to take out also lahat ng mga dairy because it causes inflammation sa katawan ng isang babae.”

Pagpapatuloy pa niya, “I’m investing time on myself health-wise, you know, physical health, mental health.

“I have a wonderful relationship with my daughter, and whatever happens in terms of what is my status right now, all I can say is that technically, I’m still married,” saad pa ni Priscilla Meirelles.

Samantala, tungkol naman sa estado ng relasyon nila ni John Estrada, “Legally, we’re still married!”

Ito’y sa gitna nga ng isyu na matagal nang hiwalay ang celebrity couple matapos ngang mapabalita ang umano’y ilang beses na pambababae ni John.

Ayon pa kay Priscilla na itinanghal na Miss Earth 2004, legal pa rin silang mag-asawa ni John pero hindi na niya sinagot kung nagsasama pa sila ng aktor sa iisang bahay.

Kasunod nito, sinabi rin ni Priscilla na wala siyang alam tungkol sa post ni John noong 2024 na nagkasundo silang mag-asawa na “maghiwalay” muna.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I was not aware of that. So I don’t know, maybe kung nag-decide siya sa side niya na take a break,” sey ni Priscilla.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending