Priscilla ‘married’ pa rin kay John, pero focus muna sa ‘self-love’

PHOTO: Instagram/@primeirelles
“ANO ang estado ng relasyon ninyo ni John Estrada?”
‘Yan ang diretsahang tanong ng King of Talk na si Boy Abunda kay Priscilla Meirelles matapos maging usap-usapan sa social media ang pagpapa-sexy ng beauty queen.
Ang pagtitiyak ng celebrity mom, “Legally, we’re still married.”
Pero nu’ng nag-follow up si Tito Boy kung nagsasama pa rin ang dalawa, naging tikom ang bibig ni Priscilla.
“Let’s just stay that way, ‘legally we’re still married’,” sey niya sa TV host.
Baka Bet Mo: Priscilla masaya pa rin sa piling ni John, pero umaming nasagad na!
Kasunod niyan ay muling binalikan ng King of Talk ‘yung naging pahayag ni John na pansamantalang nag-break sila ni Priscilla.
Ang tugon diyan ng beauty queen, “Well, I was not aware of that. I don’t know –maybe kung nag-decide siya sa side niya to take a break, he forgot to inform me.”
Sa kabila ng hinaharap na isyu sa mister, inamin ni Priscilla na siya ay masaya, lalo na’t ang focus niya ngayon ay self-love.
“I am in a place where I’m at peace, I have joy from within, and I’m really having a great time because now I have time to focus on myself, I’m investing time on myself, health-wise – physically healthy, mental health,” paliwanag niya.
Patuloy pa, “I have a wonderful relationship with my daughter and whatever happens in terms of what is my status right now, all I can say is that technically I’m still married.”
“I guess, if that’s what he said from that time, even though I was not aware, it made everybody aware including me, so that’s pretty much what’s happening,” aniya pa.
Sa tanong naman na: “Are you at a point in your life na pinaglalaban mo pa rin ang marriage mo?”
Ang pagbibigay-diin ni Priscilla, “I’m in a point in my life na pinaglalaban ko ang sarili ko.”
“So importante sakin masaya ako, importante sakin I have peace of mind…you know, I went back to loving myself which was lost for many years and I’m not blaming anyone. It’s basically my fault that I got to a point where I was not loving myself anymore,” esplika niya.
Dagdag ng celebrity mom, “So today, I can say that oh my gosh I have so much love because I love myself –first [is] God, and then I have so much love to share.”
View this post on Instagram
Matatandaan noong July 2024 nang magsimulang magkaroon ng isyu sa pagitan nina John at Priscilla matapos maispatan ang una na may kasamang babae habang nasa bakasyon ito sa Boracay.
Nilinaw naman ng aktor na wala silang relasyon ng babaeng nali-link sa kanya na si Lily Hallman.
Kung matatandaan, taong 2011 nang ikinasal sa La Union sina Priscilla at John.
Makalipas ang isang taon, sila ay biniyayaan ng magandang anak na si Anechka.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.