John Estrada ibinandera si Priscilla Meirelles: My one and only queen! | Bandera

John Estrada ibinandera si Priscilla Meirelles: My one and only queen!

Therese Arceo |April 07,2023
facebook
share this

John Estrada ibinandera si Priscilla Meirelles: My one and only queen!

Therese Arceo - April 07, 2023 - 07:22 PM

John Estrada ibinandera si Priscilla Meirelles: My one and only queen!
PROUD na ibinandera ng aktor na si John Estrada ang larawan nilang magkasama ng asawang si Priscilla Meirelles.

Ilang araw matapos kumpirmahin ng beauty queen na mayroon nga silang pinagdaraanang mag-asawa na dahilan ng kanyang “hugot” posts, todo flex naman ngayon ang aktor sa kanyang wifey sa kanyang Instagram page nitong Biyernes, April 7.

“The love of my life, my wife, my one and only Queen,” saad ni John sa kanyang caption.

Gumamit rin ang aktor ng mga hashtags na “#happytogether”, “#J[heart]P”, “#naturalbeauty” at “#happywifehappylife”.

Base sa larawan ay makikitang sweet na sweet na magkatabing nakahiga sina John at Priscilla. Ang isa pa nga ay nakahalik ang aktor sa asawa sa pisngi.

Base sa mga Instagram stories ni Priscilla ay kasalukuyang silang nasa bakasyon kasama ang kanilang anak na si Anechka pati na rin ang anak ng aktor kay Janice de Belen na sina Moira, Kaila, at Yuan Estrada.

Baka Bet Mo:  Priscilla Meirelles tuloy ang pa-cryptic post, Janice de Belen nadamay?

Sa kabila ng mga intrigang kinakaharap ay nananatiling tahimik si John hinggil sa isyu.

Matatandaang kamakailan ay trending ang aktor matapos ang mga inilabas na posts ni Priscilla patungkol sa “What to call a female that entertains married man?”

Marami ang naghinala sa mga netizens na mukhang may pinagdaraanan sina John at Priscilla.

Kaugnay nito ay nasangkot ang Cebu-based influencer na si Chiyo dela Vega na “nakakausap” raw ng aktor base sa kumalat na screenshot ng usapan nila sa Viber ng beauty queen.

Si Chiyo ay nakilala ni John nang magpunta ang cast ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa Cebu para mag-promote ng teleserye.

Kalaunan ay inamin naman ni Priscilla na may problema talaga sila ng kanyang asawa at kaya siya nagpo-post ay “napuno” na ito.

Related Chika:
Xian Gaza pinapatamaan nga ba si Priscilla Meirelles: If hindi mo siya kayang iwan, ‘wag mong i-announce sa lahat na niloloko ka niya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

John Estrada sa 12 years na pagsasama nila ni Priscilla Meirelles: ‘Thank you for being the perfect partner, I love you my love!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending