Xian Gaza pinapatamaan nga ba si Priscilla Meirelles: If hindi mo siya kayang iwan, 'wag mong i-announce sa lahat na niloloko ka niya | Bandera

Xian Gaza pinapatamaan nga ba si Priscilla Meirelles: If hindi mo siya kayang iwan, ‘wag mong i-announce sa lahat na niloloko ka niya

Reggee Bonoan |March 31,2023
facebook
share this

Xian Gaza pinapatamaan nga ba si Priscilla Meirelles: If hindi mo siya kayang iwan, ‘wag mong i-announce sa lahat na niloloko ka niya

Reggee Bonoan - March 31, 2023 - 07:50 PM

Xian Gaza pinapatamaan nga ba si Priscilla Meirelles: If hindi mo siya kayang iwan, 'wag mong i-announce sa lahat na niloloko ka niya

PATAMA kaya kay Priscilla Meirelles na asawa ng aktor na si John Estrada ang FB post ng lalaking Marites na si Xian Gaza tungkol sa isinapubliko nito na niloko siya pero hindi naman kayang iwan?

Aniya, “Nawi-weirduhan ako sa mga taong bino-broadcast sa publiko na ‘yung partner nila ay unfaithful pero sila pa rin hanggang ngayon. The design is very illogical. The fact na hindi mo siya iniwan, eh, mukha ka lang tanga nu’n. Sinira mo lang din ‘yung sarili mo sa tao.”

Matatandaang ilang araw nang nagpo-post si Priscilla ng kung anu-ano sa Instagram stories niya pertaining to a girl na nagbigay ng contact number at ini-entertain ang isang married guy at obviously si John ang tinutukoy nito.

Hanggang hindi na nakatiis si Priscilla ay pinadalhan ng mensahe ang isang vlogger na taga-Mactan, Cebu na nangangalang Chiyo dela Vega para alamin kung ano ang business nito kay John at sabay pakilala na siya ang asawa nito.

Maayos namang sumagot ang vlogger at alam niyang married na ang aktor na ito na hinigi ang numero ng dalagang Cebuana.

Inilabas ni Chiyo ang convo nila ni Priscilla sa kanyang FB account pero tinanggal na rin niya ito na naglalaman na nabasa ng ex-beauty queen ang usapan ng dalawa na hindi appropriate bagay na itinanggi ng una at nag-swear pang hindi sila nag-chat ni John.

Anyway, patungong Cebu raw ang pamilya Estrada sa Abril 6 at inimbita ni Priscilla si Chiyo na magkita sila at umokey naman ang huli.

Baka Bet Mo: Xian Gaza umalma sa balitang isa siyang ‘klepto’: That’s not me, 100% fake news

At heto na nga inamin na ni Priscilla sa isang showbiz website na may problema sila ni John at napuno na raw siya kaya niya ito inilabas sa publiko.

Para naman kay Xian bilang number one lapitin din ng girls na ang pagkakaiba lang ay binata pa siya na kung hindi mo kayang iwan o hindi mo hihiwalayan ang taong nanloko sa iyo ay sana hindi mo sinisira ang imahe sa publiko.

Sabi pa niya, “IF HINDI MO PA SIYA KAYANG IWAN, EH, HUWAG MONG I-ANNOUNCE SA LAHAT NA NILOLOKO KA NIYA. HINDI LANG SIYA ANG MASISIRA. MAS KASIRAAN MO YUN. IT’S LIKE SAYING, “HI, GUYS! NANGANGALIWA ‘YUNG ASAWA KO AND IT’S OKAY! I DESERVE THIS!”

May point naman talaga si Xian dahil siya pa rin ang sisihin ng netizens dahil alam na pala ni Priscilla na niloloko siya bakit hindi pa niya iwan? Or bago pa naman sila ikasal ay alam na niyang lapitin ng girls si John, pero nagpakasal pa rin siya.

Gusto naming unawain ang kalagayan ni Priscilla kung bakit siya naglabas sa social media ng mga sama ng loob niya, baka kasi wala siyang outlet para ilabas ito? Kasi wala kaming alam na may mga trusted friend’s o kaibigan siya rito sa Pilipinas lalo’t mag-isa lang siya rito dahil ang pamilya niya ay nasa Brazil.

Posible kasing ganito ang senaryo at nanghihingi si Priscilla ng payo sa lahat o point of view ng iba tungkol dito.

Sana ay maayos nila ni John ang relasyon nila lalo’t dalagita na rin ang nag-iisa nilang anak.

Nanatiling tahimik si John sa lahat ng mga kaguluhang ito sa social media at bukas ang BANDERA sa panig niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Priscilla Meirelles sunud-sunod ang cryptic post, may problema nga ba sa asawang si John Estrada?

Xian Gaza sinupalpal ng ex-dyowa: Hindi ka lang scammer, oportunista ka pa!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending