Xian Gaza umalma sa balitang isa siyang ‘klepto’: That’s not me, 100% fake news | Bandera

Xian Gaza umalma sa balitang isa siyang ‘klepto’: That’s not me, 100% fake news

Pauline del Rosario - January 08, 2023 - 03:46 PM
Xian Gaza umalma sa balitang isa siyang  ‘klepto’: That’s not me, 100% fake news

PHOTO: Facebook/Christian Albert Gaza

MISMONG ang social media personality na si Xian Gaza na ang tumangging siya ay isang “kleptomaniac,” ang mental health disorder na hindi mapigilang magnakaw ng mga gamit.

Sa “Exclusive Tell-All Interview” ng internet sensation at content creator na si Chino Liu o mas kilala bilang Krissy Achino sa YouTube ay diretsahan itong tinanong sa kanya.

Tanong pa nga ni Krissy Achino kay Xian, “Based on what I have read, hindi ka lang scammer, klepto ka rin. So ano ang masasabi mo doon?”

Naging aminado naman si Xian na nang-scam siya noon, pero kaagad naman niyang pinabulaanan ang mga akusasyon na siya ay klepto.

Sabi ng controversial socmed personality, “Stealing? Klepto? That is 100% fake news. Pwede ako mang-scam, sige.

“Sabihin natin na naka panloko ako. Nakapag-execute ako ng fraudulent transactions. Meron akong diniceive na tao.”

Ibinahagi pa ni Xian na nasa 27 ang mga taong niloko niya dahil sa pera.

Sabi pa niya na kaya nagawa niyang mang-scam dahil sa napakarami niyang utang.

“Aminado ako kasi kapag nandoon ka sa situation na baon na baon ako sa utang before way back 2013 to 2014, ‘di ko na alam na para makadiskarte ako ng pera, para maitapal-tapal ko ‘yung utang ko na manghihiram ako dito, sasabihin ko na mayroong negosyo, tinapal-tapal ko ‘yung utang, magbabayad ako ng 10% interest tapos hahabulin nanaman ako nito next month, kailangan ko nanaman ng pang-tapal, etc. and that’s what happened in 2013 to 2014,” Kwento ng socmed personality.

“Doon ako unang-unang tinawag na scammer sa Malabon. Doon sa bagay na ‘yun, aminado ako. 27 people in total,” aniya.

Bukod diyan ay ipinaliwanag din niyang mabuti kung bakit may mga kumalat na balita na siya raw ay “klpeto” bukod pa sa pagiging scammer.

Ang tinuturo niyang pasimuno ng sinasabi niyang fake news ay ang dati niyang girlfriend na aminado siyang niloko niya at ginamit para sa pera.

Chika ni Xian kay Krissy, “Going back sa pagiging klepto. That’s not me, 100% fake news.

“Bakit ‘yun ginagawa? Tina-try niyang i-manipulate ‘yung public na itong kilala niyong Xian Gaza na ina-idol at hinahangaan ninyo, ninakawan ako niyan before e.”

“Kinukuha niya lang ang simpatya ng publiko para maramdaman ng tao na biktima siya because after, I expose kung ano man ang tunay niya na work,” saad pa niya.

Matatandaang unang nakilala si Xian sa social media matapos ang kanyang naging billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales.

At kasunod niyan ay naglabasan na ang mga balita ng kanyang pagiging scammer.

Related chika:

Xian Gaza ibinandera ang mga na-achieve ngayong 2022; nakapag-travel na sa 37 bansa, kumita pa ng P80-M

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xian Gaza sa mga magulang ngayong Pasko: Turuan natin ‘yung mga bata na maging grateful

Xian Gaza ibinandera ang Christmas gift ni Zeinab: Gusto ko lang malaman mo na sobra kong naa-appreciate yung mabuti mong pagkatao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending