Xian Gaza ibinandera ang Christmas gift ni Zeinab: Gusto ko lang malaman mo na sobra kong naa-appreciate yung mabuti mong pagkatao | Bandera

Xian Gaza ibinandera ang Christmas gift ni Zeinab: Gusto ko lang malaman mo na sobra kong naa-appreciate yung mabuti mong pagkatao

Reggee Bonoan |December 20,2022
facebook
share this

Xian Gaza ibinandera ang Christmas gift ni Zeinab: Gusto ko lang malaman mo na sobra kong naa-appreciate yung mabuti mong pagkatao

Reggee Bonoan - December 20, 2022 - 10:35 PM

Xian Gaza ibinandera ang Christas gift ni Zeinab, nagpasalamat: Gusto ko lang malaman mo na sobra kong naa-appreciate yung mabuti mong pagkatao
FOLLOW-UP ito sa sinulat namin dito sa BANDERA tungkol sa pagseselos ni Xian Gaza kay Wilbert Ross na sinabihan ni Zeinab Harake ng, ‘yabyuuuu always wilby (emoji heart)’ sabay post sa kanyang Facebook account nitong Lunes.

Nauna kasing mag-post si Wilbert ng, “yabyuu (emojis three hearts).”

Kasabay pa ng kinunan niya ang female influencer ng larawan sa lunch date nila at sabay post ng ex-hashtag member, “POV mo pag kadate mo si Zeinab Harake”

Umabot sa 77,000 likes and hearts, 1,800 shares at 1,300 comments na iisa ang sinasabi n asana magkatuluyan na ang dalawa dahil bagay na bagay sila at tinawag pa silang #WiZeb.

Kaya paanong hindi manggigil sa selos ang lalaking Marites na si Xian na kasalukuyang nasa Bangkok, Thailand ngayon. Wala siyang magawa dahil hindi naman siya makauwi ng bansa.

At dahil kaibigan naman ang turing ni Zeinab kay Xian kaya nag-post din siya ng larawan nila ni Xian noong nagkita sila sa Marina Bay Sands Singapore at nagdinner na ang caption ay, “’Wag kana mag selos friendly lang talaga ako sa mga lalaki mas masarap kasi kayong maging kaibigan (emoji laughing face).”

Ni-repost ni Xian Gaza ang post ni Zeinab na sinabing ‘wag na siya magselos na ang caption ay, “Okay po. Hindi na ko nagseselos.”

At para rin siguro asarin ng lalaking tsismoso si Wilbert ay pinost nito ang regalong short sa kanya ni Zeinab sabay kuwento na lagi pala silang nagkikita sa ibang bansa.

Ang mahabang caption ni Xian.

“APPRECIATION POST. Thank you sa Christmas gift, Zeinab.

“Ang love language ko is acts of service and physical touch pero iba pala ang dating kapag sayo nanggaling yung regalo. Kahit tshirt lang siya eh it means so much to me. As in!

“Salamat din kasi 5x mo na kong nilibre in 3 countries. Limang beses na tayong nagka-bonding sa Singapore, Dubai at Bangkok. Oh pak! Shala! International friendship ang peg! Hehe. Lahat ng ito ay hindi natin pinlano. Tadhana na lang ang gumawa ng paraan.

“Gusto ko lang malaman mo na sobra kong naa-appreciate yung mabuti mong pagkatao at pati na rin yung presence mo sa buhay ko. Thank you for the genuine friendship.”

At mukhang tinamaan na si Xian dahil ang huling mensahe niya kay Zeinab ay, “ang wish ko for you this Christmas eh sana matagpuan mo na ako by 2023 kasi kaya ko namang magseryoso para sa’yo. Happy Holidays! God bless you!”

Sumagot si Zeinab Harake sa sinabing ito ni Gaza, “Hayup ka talaga whahahaha love you happy ako nagustuhan mo kahit simple lang bawi ako soon (emoji praying hands).

Hirit ulit ni niya, “Huwag mo namang gawing house & lot ha at baka maging asukal de mamita ka ni Xian Gaza.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)

Anyway, natawa kami dahil may nagpost ng larawan nina Xian at Wilbert na pinagtabi at sabay sabing, “magkamukha kayo, eh.” sabi ng netizen na si @Ace Alemania.

May pahabol pa na nagkita sina Gaza at Zeinab sa Bangkok, Thailand kung saan sinamahan ng una na mamili ang huli sa mga tiangge roon hindi lang binanggit kung kailan ito.

Related Chika:
Xian Gaza tinamaan kay Zeinab Harake: Will you eat biko with me?

Xian Gaza love na love si Zeinab Harake pero ayaw pa niyang ligawan: Alam kong masasaktan ko lang siya…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xian Gaza nagulat nang makita si Zeinab sa Singapore, nagkwentuhan at walwalan hanggang umaga

Xian Gaza kay Barbie: Huwag na huwag ka na ulit magpapadala sa silakbo ng damdamin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending