Xian Gaza nagulat nang makita si Zeinab sa Singapore, nagkwentuhan at walwalan hanggang umaga | Bandera

Xian Gaza nagulat nang makita si Zeinab sa Singapore, nagkwentuhan at walwalan hanggang umaga

Reggee Bonoan |September 02,2022
facebook
share this

Xian Gaza nagulat nang makita si Zeinab sa Singapore, nagkwentuhan at walwalan hanggang umaga

Reggee Bonoan - September 02, 2022 - 12:16 PM

Xian Gaza nagulat nang makita si Zeinab sa Singapore, nagkwentuhan at walwalan to the max

NATULALA to the max ang ‘Marites’ ng Pilipinas na si Xian Gaza na nakita niya face to face ang hinahangaang sikat na personalidad na si Zeinab Harake na naging kaibigan niya thru Facebook chat.

Sa pagkakatanda namin ay matagal nang follower ni Zeinab si Xian kaya nu’ng panahong nagka-problema ang una sa kanyang ex-partner at ama nang mga anak niyang si Bia at ang namayapang si Moon ay isa ang binatang ama sa kumakausap sa kanya.

Nag-planong magkita pag umuwi si Xian ng Pilipinas kaya laging gulat niya nang may sumigaw sa kanyang likod habang nasa store siya sa hotel kung saan siya naka check-in sa Singapore.

Kuwento ni Xian sa kanyang Facebook page.

“August 29th around 1:30pm ay lumapag ako sa Changi Airport Singapore. I went straight to Marina Bay Sands para mag-check in. After ko mai-plastada ang maleta sa kuwarto ay agad-agad akong bumaba sa mall para mag-window shopping.

“Inuna ko ang Omega, Rolex at Rimowa. Pagpasok ko sa Rimowa store ay biglang may sumigaw na babae “Hoooooy! Ano’ng ginagawa mo dito??” simula ni Xian.

“Shookt ako. Natulala ng 4 seconds sa babaeng naka-shades because I’m trying to figure out kung sino siya. When she finally removed her eyewear eh laking gulat ko because it was Zeinab Harake, my Facebook friend and my virtual tropa na palagi kong nakakausap sa Messenger.

“Imagine, sa dinami-dami ng travel ko at sa dami ng mga bansa na aking pinupuntahan from time to time, eh, nagkrus ‘yung landas namin sa Rimowa Marina Bay Sands Singapore,” pagpapatuloy ni Xian.

Hirit pa niya, “What are the chances? Maybe around 0.0001% chance? Funny thing is that she asked me on our last conversation kung kailan ba ko uuwi ng Pilipinas para daw makapag-bonding kami in person. Talk about law of attraction to the highest level.”

At kinagabihan ay inanyayahan ni Xian si Zeinab para mag-dinner at nag-inuman hanggang kinabukasan

“The same day at 8:44pm, eh, minessage ko siya sa Messenger para alamin kung ano ang ganap nila for tonight. We decided na mag-dinner separately tapos nag-meet na lang kami sa isang bar sa Clarke Quay. Nag-walwal kami for 2 hours kasama ang kanyang kapatid na si Rana at dalawa nilang kaibigan. Our very first bonding together. It was fun. Nag-enjoy kaming lahat.

“The next day at around 1:30am ay nagkita ulit kaming lima sa Clarke Quay para mag-inom. It was late. Napagsaraduhan tuloy kami. Bitin na bitin. Inuwi namin ang bote ng Black Label at itinuloy ang walwalan sa hotel.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)

At dahil marami nang nainom si Zeinab ay naikuwento niya ang lahat tungkol sa buhay niya na ikinagulat ni Xian.

“Unli tsismisan about life and anything under the sun. Zeinab was so drunk kaya lumabas tuloy ang kanyang tunay na kulay at pagkatao. Bunganga niya ay parang machine gun. Punong-puno ng emosyon at kadramahan. Panis ang KMJS at Maalaala Mo Kaya.”

“I found out na 12 years old pa lamang siya ay nagtatrabaho na siya. Naranasan din niyang matulog sa kalsada kasama ang kanyang ina. Buong family background niya ay aking nalaman. In-open book niya sa akin ang lahat-lahat. No holds barred. Walang preno. Salamat sa impluwensya ng alak,” pagkukwento pa ni Xian.

“What I admire about her the most is ‘yung kanyang matinding pagmamahal sa dalawa niyang anak lalong-lalo na kay Bia. Naiiyak pa ang lola mong lasheng habang nagkukwento sa harap namin. Ramdam na ramdam ko ‘yung sincerity ng bawat salitang binibigkas niya. Bilib na bilib ako dahil parehas kaming may dalawang anak (1 boy, 1 girl) pero napakalayo ko sa kanya. Isa siyang ulirang ina and ama na rin at the same time.”

Binanggit din ni Xian ang pagkakaiba nila ni Zeinab pagdating sa pera at lahat ng nalaman niya ay hindi niya ito ipagsasabi o ipapaalam sa publiko, puwede rin palang manahimik ang tinaguriang ‘marites’ ng bansa.

“I also found out na siya pala ‘yung tao na walang pake sa pera, kabaligtaran ko na mukhang pera. Tutulungan muna niya ang lahat bago gastusan ang sarili niya. Iyon ang dahilan kung bakit siya naperahan ng husto nu’ng ex-boyfriend niya na mukhang paa na walang ibang ginawa kun’di i-manipulate at i-gaslight siya for 3 long years.

“Kung maririnig niyo lang ang bawat kwento, nako po, sobrang lala. Ako’y sobrang naawa.

“Marami pa akong nalaman at natuklasan ngunit subalit datapwa’t alalaong baga’y hindi ko na ito maaaring i-splook pa sa publiko.

“Because of Black Label, I found out that Zeinab is a beautiful woman with a beautiful heart. Napakabuting tao. Very genuine person.”

Samantala, inabutan na nang pagsikat ng araw ang dalawa sa kaiinom at tsikahan kaya nang magutom ay bumaba na ng hotel para mag-almusal.

“At 6:00am, ‘yung tatlo naming kasama ay nakatulog na habang kami ay gising na gising pa. 1-on-1 tsismisan hanggang sumikat na ang araw sa dalawa naming mukha. Napakalalim na kwentuhan ng dalawang may amats. Talaga namang nakilala namin ang isa’t-isa.

“Around 8:30am, ako’y nag-aya ng breakfast buffet sa baba. Iniwan namin ang tatlong babae sa kama. Dalawang lasing ang makulit sa dining area. Tawa nang tawa habang sumasandok ng pagkain. Sunny side up ko ay malasado habang sa kanya naman ay well done. Parehas kaming kumain ng fried rice.

“Habang sumusubo ng sinangag ang Koya mo Xian ay biglang napatitig ito sa mukha ng Ate mo Zeinab.

“Oh bakit?”

“Ang ganda mo pala sa personal ‘no?”

“Hehe. (smiles)”

NARRATOR: At sila’y tumayo sa mesa at nagpaalam sa isa’t-isa… the end.”

“Noon ay hindi ako naniniwala sa tadhana. Akala ko sa K-drama lamang nangyayari ang mga ganitong eksena. I realized that the universe will really conspire para mapunta ka sa moment na dapat mong kalagyan.

“Life is a choice… choice of destiny.

“ZEINYEAM” written by Xian Gaza.

In fairness, naaliw kami sa kuwentong ito ni Xian. Hmm, puwedeng maging ideya ito ng mga filmmaker.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Zeinab Harake kumikita nga ba ng P7.2-M sa YouTube?

Xian Gaza nanganganib makasuhan ng cyber-libel sa pakikisawsaw kina Skusta Clee at Zeinab Harake?

Zeinab Harake gusto namang mag-try ng gwapong dyowa; mas gaganda ang buhay ngayong hiwalay na kay Skusta Clee

Xian Gaza napahiya sa ka-date na ‘sugar baby’ dahil daw kina Alex at Mommy Pinty

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending