Xian Gaza nanganganib makasuhan ng cyber-libel sa pakikisawsaw kina Skusta Clee at Zeinab Harake? Bandera

Xian Gaza nanganganib makasuhan ng cyber-libel sa pakikisawsaw kina Skusta Clee at Zeinab Harake?

Reggee Bonoan |April 23,2022
share this

Xian Gaza nanganganib makasuhan ng cyber-libel sa pakikisawsaw kina Skusta Clee at Zeinab Harake?

Reggee Bonoan April 23, 2022 - 09:10 PM

 

Xian Gaza nanganganib makasuhan ng cyber-libel sa pakikisawsaw kina Skusta Clee at Zeinab Harake?

NA-WOW mali ang lalaking Marites ng Pilipinas na si Xian Gaza dahil inakala niya na ang babaeng kayakap at at kaakbay ni Daryl Ruiz o mas kilala bilang rapper/influencer na si Skusta Clee ang ipinalit niya kay Zeinab Harake, ina ng anak niyang si Baby Bia.

Nagsimulang umugong na hiwalay na sina Skusta at Zeinab nang hindi nakitang nakiramay ang una sa pagkamatay ng ikalawa nilang anak na si Baby Moon.

Bukod tanging si Zeinab kasi ang nakitang nagluluksa sa pagkawala ni Baby Moon at walang nakitang post si Skusta sa kanyang social media account.

Pero may ilang kaibigan naman ang rapper na kaya hindi siya dumalo sa burol ng anak ay dahil hindi nito kayang makita at nagluluksa rin ito on his own.

Umandar ang pagka-marites ni Xian at nag-imbestiga pa dahil nga may mga nabasa siyang may ibang babae si Skusta at kaya naghiwalay na sila ni Zeinab.

At mas lumakas pa ang pakiramdam ng lahat nang wala na ang mga larawan ni Daddy Sauce (Skusta) sa IG account ni Zeinab.

Pinost ni Xian ang larawan ni Skusta kasama ang babaeng naka-couple shirt sila at isa pang naka-akbay ang gilr sa kanang balikat ng rapper.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Skusta Clee (@extraordinaryl)

 

In fairness ay wala namang inilagay na caption si Xian sa mga larawang pinost niya tungkol kay Skusta Clee kasama ang girl.

Hindi pala ito babae ni Skusta dahil ayon mismo kay Xian ay tinawagan siya ni Zeinab at pinost niya sa kanyang FB account.

“Kakatawag lang ni Zeinab just now. ‘Yung babae daw ay kaibigan lang talaga ni Skusta Clee at hindi daw ‘yan kabilang sa mga kemberlu ni Skusta. Kawawa daw. Sagot ko “May sinabi ba ko? Wala ngang caption eh”. Binabaan ako ng phone. LQ kami.”

Sunod na post ni Xian, “nakokonsensya ako ngayon kasi nasira sa buong Pilipinas ‘yung babae tapos kaibigan lang pala siya ni Skusta Clee. Very wrong. Tsk tsk. Kaya promise ko sa sarili ko eh magbabago na ko. Simula ngayon, hinding-hindi na ko makokonsensya.”

Mukhang may mga pagbabanta na sa mga post ni Xian Gaza na base na rin sa post niya na nakukusensya siya dahil tila nasira niya sa buong Pilipinas ‘yung girl na kasama ni Skusta Clee na inakalang dahilan ng paghihiwalay nila umano ni Zeinab.

Ang post ng Pambasang Marites ng Pilipinas, “hindi ko ‘yan ide-delete dahil walang libel diyan. Paano naging cyberlibel ‘yan eh ni wala ngang caption? Kun’di pala kayo mga bobo’t tanga.

“O sige, let’s say may sinabi akong libelous statements, so saan sila magsasampa ng kaso? Sa Pinas? Sa UAE? Sa Thailand? Eh nasa Venice, Italy ang IP address kung saan ginawa ang Facebook post.

“Sa Europe nangyari ang krimen. Mag-research at magbasa-basa kasi kayo hindi ‘yung puros TikTok at Youtube ang inaatupag ninyo kaya lumalaki kayong mga stupid citizens of planet Earth.

“Shunga ba ko para mabutasan? Si Xian Gaza ako. Good evening mga hampaslupa.”

Wala naman kaming nabasang reaksyon pa mula sa mga taong involved sa post na ito ni Xian.

Related Chika:
Skusta Clee nakabuntis nga ba kaya hiniwalayan ni Zeinab Harake?

Larawan ni Zeinab Harake burado na sa IG ni Skusta Clee, Xian Gaza umeksena

Zeinab Harake sinagot ang paratang ukol sa isyung pinagdaraanan: Sana nga prank o scripted!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending