Xian kay Derek: Puso ng saging lang kay Andi pero kaibigan mo...

Xian kay Derek: ‘Puso ng saging kay Andi pero kaibigan mo ginastusan, ano sey mo?’

Pauline del Rosario - February 15, 2025 - 12:22 PM

Xian kay Derek: ‘Puso ng saging kay Andi pero kaibigan mo ginastusan, ano sey mo?’

Xian Gaza, Derek Ramsay

MATAPOS depensahan ni Derek Ramsay ang kanyang kaibigan na si Pernilla Sjöo, tila may hamon ang self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza.

Sa isang Facebook post, ibinandera niya ang ilang screenshots mula sa Valentine’s post ni Philmar Alipayo na sinorpresa ang fiancee na si Andi Eigenmann.

Nagbigay ang surfer ng bouquet of flowers na siya mismo ang pumitas sa kanilang bakuran at may handog pang puso ng saging.

“Derek Ramsay ano masasabi mo dito?” bungad na caption ni Xian sa nasabing post.

Wika pa niya, “Puso ng Saging lang kay Andi pero yung kaibigan mo ginastusan, nagbayad ng malaki sa tattoo artist.”

Baka Bet Mo: Philmar, kaibigang dayuhan nagpa-tattoo ng ‘224’, ‘I love you’ ba ang meaning?

Paglilinaw pa niya na inihabol sa comment section, “Gusto ko lang marinig ‘yung opinyon mo, Sir. I respect you kasi. Kaya nga hindi kita binash.”

Pakiusap pa ni Xian sa publiko, “No bashing please. Stop the hate. Thanks.”

Magugunitang nagsalita si Derek matapos akusahang “mang-aagaw” ang kanilang kaibigan na isang Siargao-based Swedish marine photographer.

Ang nag-ugat nito ay dahil sa ipinagawang matching tattoos nila ni Philmar na “224.”

Sa interview ng showbiz insider na si Ogie Diaz, ibinunyag ni Derek na apektado ngayon ang mental health ni Pernilla dahil sa bashing at threats na natatanggap nito.

Inamin din ng aktor na nainis siya sa naging pahayag ng surfer na parang walang nangyari at walang naapektuhan sa away nila ni Andi.

Chika ng aktor, nag-reach out si Pernilla patungkol sa kanilang matching tattoos para mag-sorry pero kabaligtaran ang lumabas at naakusahan pa ito bilang mang-aagaw.

Ayon kay Derek, kung nakaramdam raw ng betrayal si Andi ay karapatan niya ito, pero sana raw ay maayos nila itong pinag-usapan at hindi na sana lumaki nang ganito.

Bandang huli ay nilinaw ni Derek na hindi niya inaaway ang couple, pero nais lang niya depensahan ang kaibigang nasasaktan at umiiyak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi ng asawa ni Ellen Adarna, “Hindi kita kaaway Andi. Hindi kita kaaway Philmar. Ang inaano ko lang, mali ‘yung ginawa niyo. Andi, you should have not posted it and said what you said. Philmar, you should have handled that in private.”

Mensahe niya rin kay Phimar, “The problem you got a tattoo with Pern, that’s 80% your fault and for you not to have the balls to stand up and say ‘It’s all on me, I wronged my wife, I wronged my friend.’ Own it and maybe I will have some respect for you.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending