Larawan ni Zeinab Harake burado na sa IG ni Skusta Clee, Xian Gaza umeksena | Bandera

Larawan ni Zeinab Harake burado na sa IG ni Skusta Clee, Xian Gaza umeksena

Therese Arceo |April 23,2022
facebook
share this

Larawan ni Zeinab Harake burado na sa IG ni Skusta Clee, Xian Gaza umeksena

Therese Arceo - April 23, 2022 - 03:30 PM

Larawan ni Zeinab Harake burado na sa IG ni Skusta Clee, Xian Gaza umeksena

TULUYAN nang binura ng singer-rapper at miyembro ng Ex-Batallion na si Skusta Clee ang ilan sa mga larawan ng kanyang partner na si Zeinab Harake sa kanyang Instagram.

Ilang araw na ring usap-usapan ang dalawa buhat nang mapansin ng mga netizens na tila “missing in action” ang singer-rapper sa post ng vlogger nang ianunsyo nito ang pagkawala ng kanilang pangalawang anak na si Baby Moon.

Marami na ring mga haka-haka ang kumalat sa social media ukol sa tunay na lagay ng relasyon nina Zeinab at Skusta Clee.

May mga nagsasabing tuluyan na silang naghiwalay dahil daw nagloko ang vlogger samantalang may nagsasabi naman na nakabuntis daw ng ibang babae ang Ex-Batallion member bagay na ikinasama ng loob ng vlogger at naging dahilan ng pagkakakunan ng kanilang 2nd baby.

Wala pa namang pormal na pahayag ang dalawa hinggil sa isyu ngunit mukhang unti-unti nang nakukumpirma na talagang hiwalay na ang dalawa dahil bukod sa pagkawala ng mga larawan nila sa kani-kanilang Instagram account ay in-unfollow na rin ni Zeinab si Skusta Clee.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Skusta Clee (@extraordinaryl)


Kumakalat rin sa social media ang larawan ng singer-rapper kasama ang babaeng hinuha ng netizens ay ang ipinalit daw nito sa vlogger.

Maging ang “Pambansang Marites na Lalaki” na si Xian Gaza ay hindi pinalagpas ang isyu at umeksena rin kina Zeinab at Skusta.

Nauna niyang i-post ang larawan ni Skusta na may kasamang babae.

May sumunod itong post at sinabing tumawag raw sa kanya ang vlogger at kinumpirma na malapit na kaibigan lang daw ni Skusta ang nasa larawan.

“Kakatawag lang ni Zeinab just now. Yung babae daw ay kibigan lang talaga ni Skusta Clee at hindi daw yan kabilang sa mga kemberlu ni Skusta. Kawawa daw. Sagot ko, ‘may sinabi ba ko? Wala ngang caption eh’,” saad ni Xian.

Kuwento niya, nag-LQ daw sila dahil binabaan daw siya ng phone.

Dagdag pa niya, “Nakokonsensya ako ngayon kasi nasira sa buong Pilipinas yung babae tapos kaibigan lang pala siya ni Skusta Clee. Very wrong. Tsk tsk. Kaya promise ko sa sarili ko eh magbabago na ko. Simula ngayon, hinding-hindi na ko makokonsensya.”

Samantala, wala pa ring opisyal na pahayag sina Skusta Clee at Zeinab Harake hinggil sa isyu.

Related Chika:
Skusta Clee nakabuntis nga ba kaya hiniwalayan ni Zeinab Harake?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Zeinab Harake tinanggal na ang mga litrato ni Skusta Clee sa Instagram, hiwalay na raw?

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending